Local News

Dokumento na Naglalaman ng Korapsyon ng Lopez Family, Narekober sa Malacañang Matapos ang 1986 EDSA?

Sa artikulo ng The Manila Times na pinamagatang “ABS-CBN, Meralco and Lopez family”, ibinahagi ng journalist na si Cecilio T. Arillo ang diumano’y kabalbalan ng Lopez Family, ang may-ari ng media giant na ABS-CBN.

Ayon kay Arillo, may mga dokumento umanong nakuha sa Malacañang matapos ang 1986 EDSA revolution kung saan nakasaad ang mga hindi kanais-nais na gawain na kinasasangkutan ng Pamilya Lopez. Mula pa raw kay ex-president Manuel Quezon ay may ginagawa na raw na kababalaghan ang naturang pamilya.

“Documents recovered from Malacañang at the end of the 1986 EDSA uprising and from channel 4 during the Nov[ember to] Dec[ember] 1989 coup revealed an alleged intricate web of greed, corruption, machination and tax evasion involving the Lopez family that covered 10 presidents, from [Manuel] Quezon to Aquino, over a period of more than two generations,” sabi ni Arillo.

Binunyag din ni Arillo na ang mga naturang dokumento umano ang gagamitin ni former president Ferdinand Marcos para usigin ang mga Lopez. Ang impormasyon na ito ay galing daw sa spokesperson ng Pamilya Lopez na si Lawyer Jake Almeda Lopez.

Nakasaad din daw sa mga dokumento kung paano hiniling ng pamilya Lopez kay dating President Corazon Cojuangco na maibalik sa pamilya ang kontrol ng ABS-CBN Broadcasting Corporation.

Idinetalye din ng mamamahayag kung paano napasok ng mga ninuno ng Pamilya Lopez ang politika. Noong pumanaw daw si ex-president Quezon, sinuportahan ng Pamilya Lopez ang bagong Pangulo na si President Sergio Osmeña at para pasalamatan ang mga Lopez, in-appoint daw ni Osmeña si Fernando Lopez bilang alkalde ng Iloilo City noong 1940’s. Kalaunan ay naging Senador at Bise Presidente si Lopez. Mula noong 1986 hanggang sa taon ng kanyang pagpanaw noong 1993 ay nagsilbi itong chairman ng ABS-CBN Corporation.

Source: The Manila Times | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén