Local News

Dokumento sa Alleged Cement Smuggling ng Anak ni Lacson, Inilabas ni Faeldon!

Sa kaniyang social media account, ibinunyag ni former Bureau of Customs Chief Nicanor Faeldon ang mga diumano’y dokumento tungkol sa diumano’y smuggling activities ng anak ni Senador Ping Lacson na si Pampi Lacson.

Habang sinusulat ang blog na ito ay pumalo na sa higit walong libo na ang nagbahagi ng post ni Faeldon.

“CEMENT SMUGGLING NA AYAW IMBISTIGAHAN
To the Hon. Senator Panfilo Lacson, Sr.:
Marami ka pong isinampang kaso laban sa akin pero yung iba po ay nauna ng ibinasura ng korte. Naniniwala po ako sa proseso ng hustisya sa ating bayan. Lalabas din po ang katotohanan at makakamit ko rin po ang katarungan sa ating mga korte.
Nagpapasalamat po ako sa pagsampa ng mga kaso sa akin para magkaroon ako ng pagkakataon na mailahad ang katotohanan sa korte. Sa korte kasi lumalabas ang katotohanan at ginagalang ang mga witnesses.
Doon kasi sa Senado kawawa ang mga resource persons. Hindi makapaglahad ng katotohanan at binubusalan ninyo ng bibig. Kapag hindi ninyo gusto ang sinasabi ng resource person, puputulin ninyo ang kanilang pagsasalita. Tatakutin ninyo.
Dati mataas ang tingin ko sa inyo kaya nagulat ako na ang isang Panfilo Lacson, Jr. ay isa palang big time smuggler ng semento.
In fact, nalaman ko lang na sa inyo pala yung techincally smuggled na milyong toneladang semento na pumasok sa ating bansa mula noong 2014 hanggang 2016 thru undervaluation of freight cost by more than 50%!
Noong July 2016, nagpabalik-balik si Panfilo Lacson, Jr. sa aking opisina dahil siguro desperado na sya at hinarang ko yung mga barko nya na puno ng semento. Nagalit ka lalo sa akin dahil sa dalas pumunta ng anak mo sa opisina ko noong ako’y Customs Commissioner ay ni minsan hindi ko sya hinarap.
May isang beses pa na nagdala ang anak mo ng isang bag ng pera sa opisina ko at sinabing para daw yun sa cash bond. Alam naman siguro ng anak mo na sa banko binabayaran ang cash bond at hindi sa Bureau of Customs at lalong hindi sa opisina ng Customs Commissioner.
Ngayon po, Sir, ito yung mga dokumento na hawak ko na nagpapatunay na may big time smuggling ng semento sa ating bansa. Sir, please lang, noon ko pa ito panawagan, baka gusto ninyo magpatawag ng senate investigation para mapigilan ang bilyon-bilyong smuglling ng semento sa bansa.”

Narito ang komentaryo ni Faeldon sa bawat dokumento na isiniwalat niya sa kaniyang social media account.

“Ito ang dummy corporation ni Panfilo Lacson, Jr. iba ang nakapangalan na may ari pero noong nagka problema ang shipment nila, sya ang pumupunta mismo sa Customs para subukin aregluhin yung problema ng shipment nya.” – Faeldon

“P20,000.00 pesos lang ang paid up capital nya pero bilyon-bilyon piso ang binili nitong semento.” – Faeldon

“Computer parts lang ang nasa Import Accreditation ng Bonjourno pero tone-toneladang semento ang pinaparating.” – Faeldon

“Ito ang kontrata ng Bonjourno kung saan bumili ito ng semento na nagkakahalagang $48Million or P2.4 Billion.” – Faeldon

“Saan kinuha ni Lacson Jr. ang Php 60M na advance payment for each cement order kung ang paid up capital ay P20,000.00 lamang?

Saan kinuha ni Lacson Jr. ang USD48M or Php2.4B para bayaran ang kanyang cement orderkung ang kanyang paid up capital ay P20,000.00 lamang?” – Faeldon

“Bawal po na magparating ng items na hindi nakalagay sa list of importable items sa accredtitaion ng importer sa BOC.

Importing goods not listed in the importable items is not allowed under Sec. 3.5 c of CMO 4-2014.” – Faeldon

“Ang Holcim Cement na pinakamalaking kumpanya ng semento nagbabayad ng freight cost sa $17 na freight cost ngunit ang Bonjourno $8 lang. Parehas lang na ang country of origin ay Vietnam.” – Faeldon

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: