Local News

Doon ako sa Acting President na Babae! Actress Angelica Panganiban, may Pasaring!

Sa inagurasyon ng Skyway Stage 3 Project, sinabi ulit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya hangad na pahabain ang kaniyang termino. Hind rin daw siya pabor na maging presidente ang kaniyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte. Ayaw daw niya maranasan ni Mayor Sara ang mahirap na trabaho ng presidente.

“My God. Maski ibigay mo sa akin on a silver platter, maski ibigay mo sa akin libre another 10 years, sabihin ko sa iyo, p***** i** mo, iyo na lang ‘yan, tapos na ako…. And my daughter inuudyok naman nila, sabi ko, “My daughter is not running.” I have told Inday not to run kasi naaawa ako sa dadaanan niya na dinaanan ko. Hindi ito pambabae. Alam mo, the emotional setup of a woman and a man is totally different. Maging g*** ka dito. So iyon ang — that is the sad story,” sabi ni Pangulong Duterte.

Matapos ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte ay nag-post naman sa kaniyang social media account ang aktres na si Angeica Panganiban. Ayon sa artista, mas pipiliin daw niya ang “acting president na babae”.

Walang pinangalanan na personalidad si Panganiban pero magugunita na noong kasagsagan ng mga bagyo ay naging pabibo si Vice President Leni Robredo. Pinalalabas pa nito na siya ang nakikipag-usap sa militar para i-coordinate ang pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad. Ang paandar na ito ni Robredo ay hindi nagustuhan ni Pangulong Duterte. Pinaalala ni Pangulong Duterte kay Leni ang katotohanan tungkol sa sentimiyento ng militar sa kanya.

“While you were making calls, nagche-check ka pakunwari… Alam mo ‘yung mga military hindi ‘yan maniwala sa iyo because tama sila you are not in the line of authority basta ganun. Wala kang… Times of emergency, ako lang pati ang military. It’s between me and military pagka pulis. Iyan lang sila kami mag-ano… So ‘pag sinabi mo mag-order, you do not… Ano bang gawain mo? Wala, tapos na ‘yan. It has become a fait accompli question for you. You do not give orders on the day of the battle. You go and tell your soldiers to deploy and to take their position so that when the enemy comes, you would be able to respond appropriately,” resbak pa ng Pangulo.

Source: News5 | PCOO

Leave a Reply

Theme by Anders Norén