Local News

Dose-dosenang NPA, Sumusurender na dahil sa Nakaambang Pagpasa sa Anti-Terror Bill?

Kung nitong umpisa ng buwan ay naging sikat ang anti-terrorism bill (ATB) dahil sa pakikisawsaw ng ilang personalidad mula sa mundo ng showbiz at politika, ngayon ay nakikita na ang epekto ng nakaambang papirma ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa naturang panukalang batas. Magugunita na sinertipikahan pa ni Pangulong Duterte ang ATB na “urgent”.

Sa isang social media post kahapon ay malugod ng ibinalita ni Senador Ping Lacson na mayroon siyang natanggap na ulat mula sa isang army commander tungkol sa nangyayaring galaw ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa mga nakaraang araw. Umabot na daw sa dose-dosenang mga rebeldeng komunista ang sumusurender dahil sa papalapit na pagpasa ng ATB. Ito daw ang dahilan kung bakit nagiging abala na daw ang mga rebelde sa pagpapakalat ng maling impormasyon ukol sa sikat na panukalang batas.

“An army commander reported that in anticipation of the passage of the ATB, the NPA’s have started surrendering. 27 in just 2 days in Mindoro alone. Many more are sending surrender feelers. That is why, he said, their fronts have become busier with their disinformation campaign,” sabi ng senador.

Si Lacson ang isa sa may akda ng anti-terrorism bill at isa din sa masipag na dumedepensa nito sa social media.

Maliban kay Lacson, isa rin si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa masugid na dumidepensa sa Anti-Terrorism Bill. Ayon kay Sotto, ang natatakot lang daw sa panukalang batas ay ang mga terorista at ang gma suusuporta sa mga ito.

“It’s as good as passed. It will just need my signature if it comes back to us after ratification then I will transmit to the President… I suggest they read the bill first before reacting. Terrorists or their supporters are the only ones who will be afraid of the bill,” resbak ni Sotto sa mga kritiko.

Ilang opisyales na rin ng Duterte Administration ang nagsalita pabor sa nasabing panukalang batas.

Source: Ping Lacson | CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: