Local News

Drilon, Gustong Muling Buksan ang Imbestigasyon Kontra Kay Paolo Duterte!

“It is the best that the Senate Blue Ribbon Committee resume its investigation in order that those named in the video, Mr. Duterte and Agriculture Undersecretary Waldo Carpio can clear their names.”

Ganito ang isa sa mga naging pahayag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa Kapihan forum sa Senado nitong Huwebes, mula sa ulat ng Inquirer.

Ang suhestyon na ito ay sinabi ni Drilon matapos umanong kumalat sa mga balita, gayundin sa social media ang isang video, kung saan idinadawit ang dating Bise Alkalde ng Davao City at anak ni Pangulong Duterte na si Paolo Duterte, na may kinalaman umano ito sa mga transaksyon ng ilegal na droga.

Matatandaang noong Setyembre 2017 ay dumalo si Duterte sa isang hearing ng committee tungkol sa umano’y smuggling ng may P6 Milyong halaga ng shabu sa bansa.

“The Senate Blue Ribbon Committee will provide him (Paolo Duterte) with the opportunity to disprove all of these allegations which to him are invented and unfounded,” dagdag pa ni Drilon.

Samantala, sa kanyang social media account ay may patutsada naman si Paolo Duterte sa isang tinawag niyang “J.S”, kaugnay ng nabanggit na video na nagdadawit sa kanyang pangalan sa mga transaksyon ng ilegal na droga, mula sa ulat ng Philstar Global.

“Wow ha, kung makaimbento ka wagas. Galit ka kay Waldo kasi binabara niya lahat ng smuggling mo ng bigas at asukal diba JS. Galit ka sa akin kasi diba hindi kita pinansin sa eroplano kasi hambog ka! Ngayon pansinin na kita kasama ng kamay ko na kasinglaki ng mukha mo kapag nangyari iyan. ‘Yan ang totoong balita,” ani Paolo Duterte sa kanyang Facebook Page.

Ayon naman kay Philippine National Police Chief Oscar Albayalde, kwestyunable umano ang “timing” at motibo sa likod ng nasabing kumakalat na video., na lumabas isang buwan bago ang midterm elections.

‘I don’t even know if that is admissible in court because anybody can do that video. We are warning netizens of these videos that are self-serving,” ani Albayalde.

Source: INQ | Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén