Local News

Drilon, Isusulong ang Imbestigasyon sa Gastos ng DU30 Govt sa SEA Games!

“Dapat i-audit ng husto ng COA, hindi lang po ito [tungkol sa P50-million cauldron], kung hindi ‘yung ibang gastusin,”

Ito ang naging pahayag ni opposition Senator Franklin Drilon kaugnay sa preparasyon ng gobyerno sa 30th Southeast Asian (SEA) Games na gaganapin sa atin bansa.

Kinuwestiyon ni Drilon ang cauldron na nagkakahalaga daw ng P50 million.

“Sa akin, masyadong extravagant ang mahiwaga at pinakamalaking kaldero sa buong mundo, sa kasaysayan ng ating bansa,” boladas pa ng senador mula sa oposisyon.

Ang cauldron o ang kaldero na tinutukoy ni Drilon ay ang sinisilabang bagay sa ilang malalaking sport events para ipahiwatig na nagsisimula na ang palaro.

“We have to support our athletes. ‘Di naman nila kasalanan itong pangaabuso na nakikita natin but kailangan suportahan natin ang mga atleta natin para (This abuse we’re seeing is not their fault and we need to support them so) they can compete and bring honor to the country. But it doesn’t mean that we will not question this expenses,” sabi ni Senator Drilon.

Magpapasa din daw siya ng resolusyon sa senado upang imbestigahan ang naging gastos ng pamahalaan sa preparasyon sa SEA Games.

“After the games in December, I will file a resolution for the Senate to investigate this
,”
dagdag pa ni Senador Drilon.

Ayon kay Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara, layon ng cauldron na maipakita ang pagiging malikhain ng mga Pilipino.

“The government envisions to do an impressive hosting of the games, showcase Philippine ingenuity by using creative Filipino designers and performers,” paliwanag ni Senator Angara.

Habang isinusulat ang blog post na ito ay hindi pa nagbibigay ng sagot ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) sa mga patutsada ni opposition senator Drilon.

Narito po ang ilang pasilidad na natapos na ng BCDA, isa sa mga namamahala sa preparasyon ng SEA Games.

Source: Inquirer | BCDA | CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén