Local News

Drilon, Kinontra ang Public Health Emergency Declaration ni PDU30!

Nitong Sabado ay nagdeklara na si pangulong Rdorigo Roa Duterte ng public health emergency dahil sa pagkakaroon ika-5 kaso at unang local transmission ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa. Ang deklarasyon ay ipinarating ni Pangulong Duterte sa publiko sa pamamagitan ni Senador Bong Go.

Pero ngayong Linggo ay kinontra ni Senador Franklin Drilon ang deklarasyon ng Presidente. Boladas ni Drilon, maituturing lang na public health emergency ang sitwasyon kung banta na ito sa national security.

“And when the same threatens national security, the President shall declare a state of public health emergency and mobilize government and non-governmental agencies to respond to the threat. So only in cases where the epidemic threatens national security… Ngayon, ‘yan na nga epidemic, pero kapag naging national security concern or threatens national security, the President may declare a state of public health emergency,” sabi ni Drilon sa kanyang panayam sa radyo na inere sa GMA News TV.

Magugunita na sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na inirekomenda niya na kay Pangulong Duterte ang pagdedeklara ng public health emergency matapos itaas sa Code Red Sub-Level 1 ang alert level dahil sa magkaroon ng ika-5 coronavirus case sa Pilipinas.

Paliwnag ni Health Secretary Duque, ang deklarasyon ay makakatulong mapabilis ang pagbili ng mga kailangan kagamitan sa paglaban sa coronavirus.

“Such a declaration “will facilitate mobilization of resources and ease processes, including procurement of critical logistics and supplies and intensifying reporting and quarantine measures,” sabi ni Health Secretary Duque.

Giit naman ni Drilon, hindi daw dapat mabalewala ang mga proseso kaugnay sa pagbili ng gobyerno ng mga kagamitan.

“Walang nakalagay sa batas na ipagtabi natin o balewalain natin ‘yung procurement laws. May bidding pa rin yan… Ang batas sinasabi lamang mandatory reporting requirement at kung naging national security issue ay puwedeng mag-declare ng public health emergency. Ngunit ‘yan nakalagay sa batas, to mobilize national agencies to respond to the threat,” sabi ni Drilon.

Source: GMA News | Abante

Leave a Reply

Theme by Anders Norén