Local News

Drilon sa mga Bagong Senador: “Mag-aral po Kayo.”

“Mag-aral nang husto bago tumayo sa primaryo upang hindi mapahiya”.

Ganito ang naging payo ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa mga bagong halal na Senador sa panayam sa kanya ng programang OnePH #SaTotooLAng.

Ayon kay Drilon, dapat din daw makinig muna at mag-obserba sa mga nakatatanda at mas matatagal na sa senado ang mga bagong halal na Senador kahit hanggang anim na buwan.

“Unang-una, huwag nating kalimutan na ang Senado, ang mga Senador ay parang nasa aquarium ‘yan eh. Dalawampu’t apat lamang eh, buong bansa nakatingin sa kanila, lalo na po ngayon sa panahon ng social media, maraming paraan na nakikita ng taumbayan ang bawat galaw ng bawat Senador at kanilang mga binibitiwang salita, ‘yung mga polisiya,” saad ni Drilon.

“Kaya ang aking payo sa aking mga kasamahan, unang-una, mag-aral po kayo. Pag-aralan niyo nang husto bago po kayo tumayo sa primaryo dahil siyempre pagtayo mo sa primaryo, magtatanong ang mga kasamahan niyo and we’ll test ‘yung validity of your pronouncements. At kung hindi tayo mag-aaral eh baka mapahiya tayo,” pagpapatuloy pa ng Senate Minority Leader

Sinabi rin ni Drilon na dumaan din daw siya sa ganoong proseso at wala naman umanong masama kung mag-aaral muna at mag-oobsera ang mga bagong manunungkulang Senador.

“Pangalawa, sa akin po, makinig muna sa mga mas nakakatanda, mas matatagal. Pakinggan muna, mag-observe muna. Wala namang masama, tatlong buwan, anim na buwan, makinig muna sila at get the feel of it. Dahil may mga tradisyon ang Senado na talagang manatili at tinitingnan ng mga mas senior Senators. Halimbawa, pag napapansin na medyo masyado naman tayong sang-ayon, I mean, wala naman tayong nakikitang mali sa Administrasyon, eh mukhang hindi maganda ang tingin ng mga kasamahan natin. Hindi man kikibo, ngunit iba ang persepsiyon dyan,” saad ni Drilon.

“Kaya sa akin, uulitin ko lang, siguro sa mga bagong Senador, dumaan din ako diyan, mag-aral muna tayo. Pangalawa, oobserve muna. And every.. may panahon upang makisali sa lahat ng debate dyan. Ngaunit in the mean time, there is no harm kung maghanda tayo. The mere fact of election of a senator is not enough, sasabihin ko sa inyo,” pagtatapos ni Drilon.

Source: One PH

Leave a Reply