Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Drilon, Umamin na Bumoto siya sa GCTA Law at Hindi Alam ang Magiging Implikasyon ng Batas!

Inamin ni Senator Franklin Drilon na isa siya sa mga mambabatas na bumoto pabor sa kontrobersiyal na Good Conduct Time Allowance (GCTA) law noong 2013.

Inamin din niya na noong panahon na iyon ay hindi niya napagtanto ang magiging implikasyon ng batas.

“When Section 3 was included in the committee report in the Senate, the senators including me did not realize the effect of expanding the period of Good Conduct Time Allowance… I admit, I was among those who voted but I did not realize the implications of such a more grant of time allowances for good conduct,” sabi ni Senator Drilon.

Ayon kay Drilon, para lang daw dapat sa detention prisoners ang naturang batas pero isinama ng senado ang mga convicted prisoners.

“Originally, this law designed only for detention prisoners not finally convicted prisoners. It was the Senate, that included the finally convicted prisoners,” dagdag pa ni Drilon.

Sa pamamagitan ng GCTA law ay mababawasan ang sentensiya ng isang preso depende sa mabuting pag-uugali na ipakikita nito.

Naging mainit na usapin ang GCTA law matapos matuklasan na isa si former Calauan Mayor Antono Sanchez na mabe-benepisyuhan sana sa nasabing batas. Si Sanchez ay convicted sa rape-slay case sa dalawang University of the Philippines Los BaƱos (UPLB) students na sina Eileen Sarmenta at Allan Gomez.

Basahin ang naging tugon ng ilang kababayan natin sa sinabi ni Drilon.

“meaning you made a mess when you allowed this to pass during your term as senate president. I wish you good luck on 2022, RIP,” sabi ni G. Galicia.

“Ngaun ginigisa nya ni c faeldon sa kapalpakan nyo dapat kayo ang sinisibak…,” sabi niR. Jimenez.

“Yung Mali nyo,Buong Bansa ang Nagulo mga BUGOK,Yung mga nagpatupad ng MalingBatas na ginawa nyo ang Kinukuba nyo ngayon.Dapat kayo ang pibagsisibak jan sa Senado hindi yung mga Tauhan lang na nagpatupad numh Ginawa nyong Batas.Kakapal ng Mukha nyo,” sabi ni A. Fabian.

Source: GMA | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén