Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Drilon, Umamin na Walang Ebidensiya laban kay Faeldon sa ‘Bentahan ng GCTA’

Sinabi ni Senator Franklin Drilon na wala silang ebidensiya na makakapagkonekta kay former Bureau of Corrections (BuCor) Director General Nicanor Faeldon sa napaulat na bentahan ng good conduct time allowance (GCTA) sa mga bilnaago.

“There is no statement that implicates Faeldon as part of the group that would sell availment of the Good Conduct Time Allowance law,,” sabi ni Drilon.

Pero naniniwala si Drilon na dapat managot pa rin si Faeldon dahil umano sa “incompetence”.

“But you cannot avoid the thought there was incompetence for failure to catch this kind of scenario. Nagkulang siya sa kanyang pamumuno at pamamahala doon sa BuCor pero walang ebidensiya na siya po ay kasama doon sa [GCTA for sale],” boladas pa ng mambabatas.

Kamakailan lang ay sinabi ni Presidente Rodrigo Roa Duterte na tiwala pa rin siya kay Faeldon kahit na matapos niyang sibakin ito sa puwesto.

“Faeldon tarong na nga tawo [He is an upright person]. I still believe in him,” pahayag ng Pangulo.

Ayon naman kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sinibak lamang daw ni Presidente Duterte si Faeldon dahil sa pagkabigo ni Faeldon na sundin ang utos ng Presidente. Naniniwala din daw ang Pangulo na hindi kurakot si Faeldon.

“The President fired him because of not following his order… not because of corruption. That’s the point of the President. There is corruption inside so everybody might think that he was being fired for that. That’s not the case… It appears that there’s a lot of corruption below, but with regard to the high levels, as far as the President is concerned, his record is still clean,” saad ni Panelo.

Naniniwala naman si Senator Bong na nalusutan lamang si Faeldon dahil sa hindi klarong batas.

“Kung mayroon man pagkukulang si Faeldon sa trabaho niya, maaaring nalusutan lamang siya sa batas na talagang hindi po masyadong klaro. ‘Yun talaga ang totoo diyan,” sabi ni Senator Go.

Source: GMA News | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén