Local News

Drug Czar Leni, Nag-Trekking ngayong Araw Matapos Mag-Absent sa Cabinet Meeting Kagabi!

Sa pagkasa kahapon ni Vice President Leni RObredo sa alok at hamon ni Presidente Rodrigo Roa Duterte na tumulong sa anti-drug campaign ng pamahalaan ay binitiwan siyang salita laban sa mga kritiko at kumukwestiyon sa kanyang kakayahan.

“Hindi laro-laro ang usapang ito. Seryosong usapan kapag buhay ang nakataya. Tinatanong nila ako kung handa ba ako para sa trabahong ito. Ang tanong ko: handa ba kayo para sa akin?” boladas ni Vice President Robredo.

May pahapyaw din siyang binitawan para kay Pangulong Duterte.

“Kung iniisip niya (President Duterte) na sa pagpayag na ito ay tatahimik ako, nagkakamali siya… Alam ng Pangulo kung ano ang posisyon ko sa drug war: tutol ako sa pagpatay ng mga inosente, kontra ako sa pang-aabuso ng mga opisyal. Alam niya ang aking mga puna. Alam niya ang mga balak kong ayusin,” dagdag pa ani Vice President Robredo

Pero sa isinagawang cabinet meeting kagabi sa Palasyo ng Malaca簽ang ay lumiban si Bise Presidente Robredo. Magugunita na sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ang alok na pwesto kay Robredo ni Pangulong Duterte ay may antas na cabinet position.

Ngayong araw ay namataan si Robredo na nagte-trekking sa Tanay, Rizal. Ito raw ay para sa programang solar kits.

Hindi naman napigilan ng ilang kababayan natin na magbigay ng komento sa nangyari.

“Anong ginagawa mo diyan??? Meron kang mas malaking responsibilidad. Trabaho na! Puwede mo naman i-delegate yan,” sabi ni F. Barangan.

“Sana pinadala na lang sa mga staff yung solar kit . Para maka dalo sa cabinet meeting dahil hinihintay sya dun para sa kanyang pagbabahagi ng kanyang brilliant ideas para sa drug war.,” sabi ni T. Passion.

“Dba drug czar na siya ngayon?不不不dapat umatend siya ng cabinet meeting, para sa trabaho nya..hindi solar ang trabaho ng pagiging drug czar,,parang inutusan mo ng suka ,ang binili asin. 不不不,” sabi ni E. Gajetos.

Source: PTV | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén