Local News

Drug Queen / Ex-Chairwoman, Dilawan ba?

Kani-kanina lang ay inilabas na ni Manila Mayor Isko Moreno ang litrato ng tinaguriang drug queen. Kinilala ang taong ito na si Guia Gomez Castro. Ayon kay Mayor Isko at kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Guillermo Eleazar, si Castro ay nanalong barangay captain noong 2018 barangay elections pero hindi nakapanumpa. Nakapuslit na rin daw ng bansa si Castro, base sa impormasyon ng otoridad.

Nagbahagi rin ng larawan ni Castro ang pro-government blogger at piskal na si Atty. Darwin Cañete. Makikita sa litratong ibinahagi ni Cañete na dumalo si Castro sa campaign sortie ng Liberal Party at nakasuot pa ito ng dilaw, ang opisyal na kulay ng partido. Sa comment section naman ng post ni Attorney Cañete ay may makikitang larawan ni Castro habang nakasuot ng Liberal Party vest.

Ayon naman sa dating mamamahayag na si Jay Sonza, supporter daw si Castro ng yellow party.

Ibinunyag kamakailan ni Philipine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Aaron Aquino ang background ng drug queen at kung gaano daw ito kalakas. Ayon kay Aquino, ilang beses na daw nasunog ang anti-drug operations ng PDEA kasama ang PNP dahil may mga assets ni drug queen.

“May kapatid itong pulis. Nasa politika siya, so she is so powerful ang has connections with local government officials and Philippine National Police (PNP)… Mayroon pa siyang ibang relatives na involves sa drugs. Whoe are politicians also,” sabi ni PDEA Chief Aquino.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni PDEA Chief Aaron Aquino na inaangkat umano ni Castro ang mga droga nito galing sa mga “ninja cops”. Ang mga iligal na gamot na ipinapasa ng mga tiwaling pulis kay Castro ay mula sa mga nakumpiskang droga sa mga anti-drug operations ng kapulisan. Isiniwalat din ni Aquino na kumakamada daw si Castro ng aabot sa P54.4 million kada buwan dahil sa pagbebenta nito ng droga.

Source: Fiscal Darwin Cañete | Jay Sonza | GMA | Sunstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén