Local News

DU30, Binanatan ang ‘Cory Constitution’

“I don’t know but the constitution that… I’m not trying to criticize. It is as good as
any. Mas mabuti pa kung wala — talaga ‘yung kay Cory,”

Ganito ang naging laman ng talumapti ni Presidente Rodrigo Duterte sa 121st Philippine Navy Anniversay kung saan sinisisi niya ang 1987 constitution sa pagkaka-abuso sa party-list system. Ito dawang naging daan daw umano sa pagkakaluklok ng mga oligarchs at komunista sa kongreso. Ang 1987 Constitution ay binuo noong panahon ng Cory Aquino Administration.

Ayon sa Presidente, pera ang pina-iiral sa naturang sistema.

“Look at the party-list. Sinong nakikinabang diyan? Mga milyonaryo. Binibili nila o hindi gumagawa sila. They can do it. And for all of the brightest ‘yung gumawa niyang Constitution na ‘yan, anak ng — hindi man lang nakita ‘yung pinakasimple that money buys everything including political party,” ani ng Pangulo.

Imbes daw kasi na mabigyan ng boses ang mga walang kapanyarihan ay mga milyonaryo daw ang nakikinabang.

“Yung mga party-list — those intended to give a voice to the marginalized at ang nandoon sa pinakatabi. Ngayon ang nangyari ang mga milyonaryo binili ‘yung partido nila o gumawa, ilan lang man if you can have them, tapos ilan lang boto kailangan mo,” dagdag pa ni Presidente Duterte.

Source: PCOO | Abogado

Leave a Reply

Theme by Anders Norén