Local News

DU30 Govt ang Gumawa ng Hindi Kailangang Problema sa ABS-CBN Shutdown – Noynoy

Binatikos ni former President Benigno “Noynoy “Aquino III ang gobyerno ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ukol sa ABS-CBN shutdown.

Para kay Aquino, gumawa daw ng hindi kailangang problema ang kasalukuyang administrasyon.

“This administration has put itself into a corner unnecessarily. If there is a significant and sustained support for the reopening of [ABS-CBN], it will happen… I won’t comment presently lest I help them inadvertently in solving their unnecessary problem,” sabi ni Noynoy.

Ayon naman kay AnaKalusugan Partylist Cong. Mike Defensor, bago pa raw ang termino ni Pangulong DUterte ay nakabinbin na sa kongreso ang legislative franchise ng Kapamilya Network. Kinuwestiyon niya kungbakit hindi ito naaprubahan noong panahon na iyon.

“2014 pa lang nag apply na ABS-CBN – panahon ni Speaker Sonny Belmonte at Pangulong Noynoy Aquino. Bakit hindi inaprubahan ng panahon na yun? 10 buwan palang ang Kongresong ito. Nandyan ang budget, batas sa pagtaas ng mga sweldo ng mga kawani ng gobyerno pagkatapos ngayon COVID na priyoridad ng kongreso. 160 po ang 1st termers ng kongreso at walang alam sa 5 taong naka pending ang prankisa sa Kongreso,” ani Defensor.

“Congress should be tackling more important issues, instead of a private bill that has been languishing in these chambers for the past 2 administrations. I think it is only fair that we ask our colleagues who were here then and who are the most vocal now – what did you do then? Madaming mas importante at mas urgent na dapat kinakaharap ngayon panahon ng krisis. Ano ba ang ginawa nila noong nakaraang dalawang termino sa kongreso?” dagdag pa ni Defensor.

Narito naman ang reaksyon ni Department of Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin Jr.

“Noynoy refused to renew the franchise. Was he wrong? Yes & ungrateful. I wanted Lopezes to get it renewed under him because he owed his election to their stupendous coverage of Cory’s funeral. And he escapes blame? Maybe he had a negative—even if I believe wrong—view of ABSCBN.”

Source: Rap | Cong. Defensor | Cong. Defensor | MSN | Teddy Locsin Jr.

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: