Local News

DU30 Govt, Dapat Makipag-Cooperate sa Imbestigasyon ng UN banat ni Kiko Pangilinan!

Inudyukan ni opposition senator Kiko Pangilinan ang pamahalan na makipagkaisa sa United Nations Human Rights Council sa pag-iimbestiga sa kampanya kontra-droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“We hope this resolution will convince the Executive department, the AFP and the PNP, leaders of both Houses of Congress to rethink its drug war policy and find real, long-lasting solutions to the drug menace that places a premium on respect for human life… Daily killings while failing to go after drug syndicates is not the solution to eradicating the menace of illegal drugs,” boladas ni Pangilinan.

Banat pa ni Pangilinan, pagwala na daw ang gobyerno ni Pangulong Duterte ay mahahatulan daw ang lahat ng Pilipino kung saan ito pumanig habang kinikitil ang mga mahihirap sa ating bansa.

“Long after the Duterte administration is gone we will all be judged as to where we stood as mass murder of our hapless poor was taking place in our country,” patutsada pa ni Pangilinan.

Sa nangyaring botohan sa United Nation Human Rights Council, labing-walong bansa ang bumoto pabor sa imbestigasyon laban sa war-on-drugs ng Duterte Administration. 14 ang hindi sumang-ayon at 15 ang nag-abstain o di bumoto.

Ang bumoto sang-ayon sa pag-iimbestiga ay ang mga bansang Argentina, Austria, Australia, Bahamas, Bulgaria, Crotia, Czech Republic, Denmark, Fiji, Iceland, Italy, Peru, Mexico, Slovakia, Spain, Ukraine, UK at Uruguay.

Ang mga hindi naman pumabor sa imbestigasyon ay ang mga bansang Bahrain, Cameroon, China, Cuba, Egypt, Eritrea, Hungary, India, Iraq, Philippines, Qatar, Saudi Arabia at Somalia.

Ang mga nag-abstain ay Bangladesh, Brazil, Burkina Faso, Chile, Congo, Japan, Nepal, Nigeria, Pakistan, Rwanda, Senegal, South Africa, Togo at Tunisia.

Sa isang panayam kay Pangulong Duterte, binanatan nito ang bansang Iceland na promotor ng resolusyon.

“Anong problema ng Iceland? Ice lang. That’s your problem, you have too much ice, and there is no clear day or night there… You can understand no crime, there is no policeman either and they just go about eating ice,” buwelta ni Presidente Duterte.

Source: GMA News | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén