Local News

DU30 Govt, Gagawa ng Sariling Fact-Checking Team!

Sa kasagsagan ng balita uko sa pagtanggal ng Facebook sa mga pages na sumusuporta sa adbokasiya ng gobyerno, nagsalita si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa naging hakbang ng social media giant. Hindi nagustuhan ng Presidente ang pag-alis ng Facebook sa page ng Hands Off Our Children o HOOC, isang samahan ng mga magulang na nawalan ng mga anak dahil sa panghihikayat ng mga makakaliwang grupo. Kaya nagbanta si Pangulong Duterte sa technology company kung hindi ito makakatulong sa gobyerno ng Pilipinas.

Si Nathaniel Gleicher, ang Head of Security Policy ng Facebook, ang responsable sa pagkawala ng mga pages na sumusuporta sa gobyerno ng Pilipinas.

“Itong Facebook naman, pati ‘yung advocacy ng gobyerno, tinatanggal. So what’s the purpose of you being here? We allowed you to operate here, hoping that you could help us also.. Now if the government cannot advocate somthing which is for the good of the people, then what is your purpose here in the country,” banat ni Pangulong Duterte.

Ang naging banat ni Pangulong Duterte sa Facebook ay sinegundahan na ni Presidential Spokesperson Harry Roque. Pinag-iisipan na ra wng gobyerno na bumuo ng sariling fact-checking team dahil hindi daw nila hahayaan na ang fact-checkers daw ay mga kalaban lamang. Ayon pa kay Roque, nagsisimula na raw ito ng ibang bansa na gumawa ng sariling fact-checking team kaya hindi papahuli ang Pilipinas.

“Ang punto dito bakit kapag pabor sa gobyerno tinatanggal? Kapag pabor sa oposisyon hindi tinatanggal?… Ang iba’t-ibang mga bansa ngayon, nagsisimula na ‘yung proseso na gobyerno na ang kumukuha ng fact-checkers… Pag-aaralan po natin kung dapat gawin na natin ‘yan dahil hindi naman tayo makakapayag na ang fact-checkers ay tanging mga laban lamang sa gobyerno… Ang sinasabi ni Presidente, pag-usapan ‘yan dahil pareho naman sila ng sinusulong ang karapatan ng malayang pananalita at malayang merkado ng mga ideya,” sabi ni Roque.

Source: One News | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: