Local News

DU30 Govt, Handang I-Take Over ang Pagpapatakbo ng Water Supply!

Ayon kay Department of Justice Menardo Guevarra, handa ang gobyerno ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na i-take over ang pagpapatakbo sa supply ng tubig sa Kamaynilaan kung sakaling ihinto ng mga dalawang water concessionaires (Manila Water Co., Inc. at Maynilad Water) ang kanilang serbisyo.

“The government will have to take over if necessary,” sabi ng kalihim.

Naniniwala naman si Guevarra na hindi hahantong sa ganoong sitwasyon ang nagyayaring isyu ngayon tungkol sa “tagilid” na kontrata na kinasasangkutan ng dalawang water concessionaires.

“This is a problem that can be solved. I don’t have any reason to believe that we should be worried of stoppage of water supply… Unless and until the government is ready to efficiently run the distribution business, I guess for now we still have to rely on private concessionaires for the distribution of water supply,” paliwanag pa ni Secretary Guevarra.

Sa kanyang talumpati sa senado, binanatan ni Senador Christopher Bong Go ang mga water concessionaires at tinawag ang mga ito na sakim at gahaman. Hindi rin pinalampas ni Senador Go ang mga dating opisyal ng gobyerno na pumayag sa “dehadong” kontrata.

“Tayo pa ngayon ang magbabayad ng bilyon-bilyon mula sa kaban ng bayan dahil pinigilan sila magtaas ng singil ng serbisyo na napakababa ng kalidad. Buong bansa ang magbabayad, hindi lang ang kliyente ng mga concessionaires na ito, the whole constituency, not just the part of it. It will bear the brunt of the greed and selfishness of these big concessionaires… The government and the people our now at the mercy of these big concessionaires. It is apparent that many of the provisions in the concessionaire agreement are unfair and unjust to the Filipio people. Kaya ang tanong ko, sino ba ang mga abogado at opisyal na nakaupo nang pina-bid at ginawa ang mga kontrata na ito? Bakit pinalusot ninyo?,” buwelta ni Go.

Source: Manila Bulletin | Senador Bong Go’s Speech via Ang Malayang Pilipino

Leave a Reply

Theme by Anders Norén