Local News

DU30, Handa nang Kalabanin ang China?

Sa programa ni Pastor Apollo Quiboloy, binunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa na siyang gamitin ang Mutual Defense Treaty (MDT) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos para sa sigalot sa kinakaharap ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.

Ang MDT ay isang kasunduan na kung saan nakasaad na magtutulungan ang Pilipinas at Amerika kung sakaling maharap sa isang giyera o pag-atake ng ibang bansa ang isa’t-isa.

“I’m calling now America. I’m invoking the RP-US pact. I would like America to gather all their Seventh Fleet in front of China. I’m asking them now. And I will join them,” sabi ni President DUterte.

Ayon sa Pangulo, isasama niya daw sa pagsugod sa China sina Ex-Ombudsman Conchita Carpio-Morales, Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, and Ex-Foreign Affairs chief Albert del Rosario para sumabak sa giyera.

“I will ride on the boat where admiral of the US. But I will drag along this Carpio and the rest of Albert. When the Americans say, ‘we’re here now’, ready, I will press the (button),” banat ng Pangulong Duterte sa mga kritiko niya.

Paliwanag ng Presidente, maaaring madamay ang Palawan kung sakaling magkaroon ng giyera at gumamit ng Nuclear weapons ang mga bansang masasangkot sa digmaan.

“Maybe that would be the end of Palawan. Palawan may be devastated, maybe occupied or if there will be nuclear bombs it will dry up. So nothing will grow here, we can just wait, just like a big hole coming our way, to suck us to eternity,” dagdag pa ng Presidente.

Noong nakaraang buwan ay naging laman ng balita at social media ang West Philippine Sea (WPS) dahil sa banggaan na nangyari sa Recto Bank kung saan ang bangka ng 22 Pilipinong Mangingisda ay lumubog dahil sa pagsalpok ng Chinese vessels.

Source: Inquirer | Give Us This Day

Leave a Reply

Theme by Anders Norén