Local News

DU30, Inirekomenda sa Kongreso na Buwagin na ang Philhealth!

Sa kanyang public address ngayong araw, inirekomenda na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kongreso na buwagin na ang Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) at magtatag ng bagong ahensiya.

Sisiguraduhin din ng Presidente na masisibak sa trabaho at pananagutin ang mga sangkot sa anomalya sa nasabing ahensiya.

Ilang araw bago ang pahayag ni Pangulong Duterte ay ibinunyag na ni Senate President Tito Sotto ang balak na hakbang ni Pangulong Duterte.

“He said he wanted PhilHealth abolished or privatized but I said it might be better to wait a few months and see how the new administration performs and that I have a bill making the Secretary of Finance the chair of the Board instead of the DoH (Department of Health) Secretary. He agreed to my proposal… I explained that Philhealth is an insurance corp and not a health entity,” sabi ni Sotto.

Dahil sa alegasyon ng korapsyon nabumabalot sa Philhealth, pinalitan ni Pangulong Duterte ang liderato nito at itinalaga si former National Bureau of Investigation Director Dante Gierran bilang bagong CEO ng Philhealth.

Source: PTV | Inq

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: