Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

DU30, May Harapang Banat kay Leni!

Matapos ang naging rebelasyon ni Peter Joemel “Bikoy” Advincula na plano di umano ng ilang personalidad mula sa oposisyon na pabagsakin ang gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng black propaganda para mailuklok si Vice President Leni Robredo, nagkita na si Pangulong Duterte at si Leni sa graduation ceremony ng Philippine Military Academy. Sa kanilang pagtatagpo, nagawa pang biruin ni Presidente Duterte si Robredo. Biro ng Presidente, bakit hindi na daw siya nginingitian ni Robredo.

“Bakit noon ma’m nag-smile ka sa akin. Ngayon hindi na. Ikaw ha,” sabi ni Presidente Duterte.

Magugunita na noong unang lumabas ang mga black propaganda videos ng pagsasangkot sa pamilya ni Pangulong Duterte sa droga, isa si Robredo sa nag-bigay ng opinyon tungkol dito. Gusto ni Robredo na magkaroon ng independent investigation sa mga alegasyon ni Bikoy laban sa kaanak ni Presidente Duterte.

“very serious iyong accusations, mas mabuti ilagay sa proper forum… Pero iyong pinakamabuti talaga sa lahat, i-file ito sa proper forum, para mayroong independent na imbestigasyon, mayroong paglilitis na maririnig, iyong tatanggap ng ebidensya maririnig kung ano iyong depensa ng nasasakdal,” sabi ni Robredo noong unang bahagi ng Abril kung kailan lumabas ang mga Bikoy videos.

Sa hiwalay na pahayag ay nilutang pa ni Robredo ang ideya na ilagay si Bikoy sa witness protection program.

“Di ba dapat, kasi parang whistleblower din siya? Hindi ba dapat bigyan ng proteksyon para malaman kung totoo o hindi ang sinasabi? Kasi hindi naman natin, wala naman tayong way of knowing kung totoo o hindi,” ani Leni noong unang bahagi ng Mayo, bago bumaliktad si alyas Bikoy.

Matapos naman bumaliktad ni Advincula nitong Mayo at ituro ang Liberal Party at si Senator Antonio Trillanes na may pakana ng mga videos, tila nag-iba ang tono ni Robredo.

“Ni anino niya hindi ko talaga nakita so sigurado ako sinungaling siya,” pahayg ni Robredo matapos bumaliktad si Advincula.

Source: News5 | ABS-CBN | CNN Philippines | GMA News | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén