Local News

DU30, Nagbantang Ipapasarado ang Land Bank!

Sa ika-4 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, nagbanta ang Presidente na ipapasara niya ang Land Bank of the Philippines dahil sa kabiguan nito na maglatag ng plano kung paano matutulungan ang mga magsasaka. Ayon sa Presidente, itinatag ang Land Bank para tumulong sa mga kababayan nating magsasaka pero naging komersyalisado na ito.

“That’s why itong Land Bank na ito, ‘pag hindi ito na… You know, you are called Land
Bank but you are now the number one commercial bank in the Philippines,”
banat ng Pangulong Duterte.

Inudyukan din ng Presidente ang bangko na magtungo sa kanayunan para malaman kung paano makatutulong sa mga kababayan natin.

“What the heck is happening to you? You are supposed to finance agricultural
enterprises and endeavors. Bakit wala? Bakit — why can’t you
just buy a few wagons or whatever? Go to the countryside and ask the
people if there are cooperatives, tulungan ninyo to form one,”
suhestiyon ni Presidente Duterte.

Sinabihan ng Presidente ang bangko na magbigay ng plano kung paano matutulungan ang mga magsasaka bago matapos ang Hulyo. At kung hindi ito makakatugon sa hiling ng Pangulo ay kakausapin niya ang kongreso para ipasarado na lang ang institusyon.

“Pag wala, eh tignan ninyo na maibigay ninyo for replanting of the coconut — to revive the coconut industry. Pahiramin ninyo ng pera plus the money —‘nung sabi ko of the coconut levy. That is sacred money. Land Bank should go back to land. Why are you mired in so many commercial transactions? Bumalik kayo where you were created for and that is to help the farmers. Ilang administration na wala? [applause] You better decide on that, I will give you until the end of July to give me a plan or else I will ask Congress to reconfigure you what-not. Wala eh, wala kayong… I’m asking now Congress, ‘pag wala sila — if there is no viable plan for that for the farmers and it is just all commercial transactions, might as well abolish it and give the money to the congressmen for their development funds. O mas makatulong pa. Diretso eh. Ayaw ninyo? O ayaw daw nila, Sir Frank. Huwag mo na lang galawin,” sabi pa ng Pangulo.

Source: RTVMalaca├▒ang

Leave a Reply

Theme by Anders Norén