Local News

DU30, Nagsalita na sa Pagdamay ni Bikoy kay Kitty sa Drug Trade! Pangulo, Gaganti?

Nagsalita na rin sa wakas si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa serye ng videos na nagpaparatang na sangkot umano sa droga ang ilang kaanak ng Presidente. Magugunitang idinamay din sa naturang videos si Veronica “Kitty” Duterte, ang menor de edad na anak ng Pangulo.

Nagbanta ang Pangulo ng pagganti sa mga taong nasa likod ng nasabing black propaganda videos.

“Kayong mga black propaganda, pati ‘yang anak ko na si Veronica, 14 years old, drug addict? May ipalabas ako you just wait,” buwelta ng Presidente Duterte.

Ayon sa Presidente, nakakuha siya ng intelligence report patungkol sa paggawa ng nasabing mapanirang video.

“What you did not know is that you are being listened to habang ginagawa ninyo ‘yang mga kalokohan niyo. Ilabas ko ‘yan in a few days, pine-perfect ko lang ang ano. It was an intelligence report not from us but from another country,” banta ng Pangulo.

Ang unang kabanata sa video series na may pamagat na “Ang Totoong Narco List” ay nagsabing miyembro umano ng drug syndicate si Presidential son Paolo “Polong” Duterte. Nagpakita pa ito ng dokumento at pirma para patotohanan ang mga akusasyon. Pero agad itong nabutata nang lumutang si Maguindanao Mayor Datu Zamzamin para sabihin na ang pirma niya ay ninakaw at ginamit sa mga dokumentong ipinakita sa mapanirang video.

Sa ikatlong kabanata ng video series ay pinaratangan din si dating Special Assistant to the President Bong Go na konektado din daw sa droga at may tattoo umano ito sa likod na katunayan na kasapi nga ito sa sindikato. Ang paratang na ito ay agad sinupalpal ni Go nang ipakita niya ang kanyang likod na walang tattoo sa mga reporters.

Panoorin ang talumpati ng Presidente sa Tuguegarao.

Source: GMA | PNA| Datu Zamzamin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén