Local News

DU30, Namahagi ng P160 Milyong Agri-Fishery Assistance sa mga Taal Victims na Magsasaka at Mangingisda!

“Itong mga kalamidad ay nangyayari po sa buong bayan at kailangan po na may gagawin tayo na tinatawag na maibaba man lang ang kahirapan t ang danger ‘pag pumutok ang mga ito”

Ganito ang naging mensahe ni Presidente Rodrigo Roa Duterte sa mga evacuees, humanitarian volunteers at local government officials sa Batangas City Sports Complex, kaugnay sa pananalanta ng Bulkang Taal. Ayon sa Presidente, ang dapat maging prayoridad at tugon ng gobyerno sa panahon ng kalamidad ay ang pagbabalik normal ng sitwasyon. Ayon sa Pangulo, handa ang lahat ng ahensiya ng gobyerno para tulungan ang mga apektadong mga kababayan natin.

Sa naturang pagtitipon, nagbigay din si Pangulong Duterte ng agriculture, fishery at livelihood assistance sa mga mangingisda at magsasaka na nagkakahalaga ng P160 million.

Nangako din naman si Department of Agriculture Secretary William Dar na bibigyan angmga magsasakat at mangingisda ng buong suporta upang nakaahon muli.

““In view of the Department’s efforts to assist farmers and fishers affected by the eruption of Taal Volcano, I have directed the DA family officials and staff to extend full support… We want fast and concrete actions during this trying time. I am personally seeing to it that all hands in DA are on board to deliver the services to our farmers and fishers, and the general public that depends on the sustainability of our food supply,” sabi ng kalihim ng agrikultura.

Kasama ni Pangulong Duterte sa naturang okasyon sina Senator Christopher “Bong” Go, Agriculture Secretary William Dar, Batangas Hermilando “Dodo” Mandanas, at iba pang mga opisyal ng gobyerno.

Source: Department of Agriculture

Leave a Reply

Theme by Anders Norén