Local News

DU30, Number 1 sa Listahan ng Ipapapatay ng NPA!

Nitong nagdaang mga araw ay ibinunyag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na nakatanggap sila ng impormasyon tungkol sa hit list ng Communist Party of the Philippines (CPP), New People’s Army (NPA) and National Democratric Front (NDF). Kasama daw dito siya at si Pagulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon kay Esperson, hindi na raw siya nabigla sa pagkakasama ni Pagulong Duterte sa listahan ng gustong itumba ng mga rebeldeng komunista.

Base sa impormasyon na natanggap ni Esperon, pinaaatake na raw ng CPP-NPA ang Special Partisan Units (SPARU) nito.

“Our law enforcement and security forces have been advised to take appropriate countermeasures against this sinister threat to general peace and order,” sabi ni Esperon.

Kasama rin sa nasabing listahan ay sina National Commission on Indigenous Peoples chief Allen Capuyan at Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año.

Sinegurado naman ng chief of the Presidential Security Group (PSG) na si Brig. General Jose Eriel Niembra na protektado nila ang Pangulo at gagawin nila ang lahat para maging ligtas ang Punong Ehekutibo.

“We’ll do everything we can to secure the President… In fact, we always say, the mission of the PSG is to see to it that we have a living president day by day… We expect that the President is number one in their list (but) rest assured, we’re doing something to protect the President… We take it seriously because it’s not a joking matter. It’s the life of the President and the survival of the country,” sabi ni Niembra.

Nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa militar na durugin na ang mga terrorist group sa bansa, matapos matanggap ang impormasyon tungkol sa masamang balak ng mga kalaban.

“At isa pang kalaban natin na sumisira sa buhay natin ay itong mga terorista, kasali na ang NPA, kasali na ang mga kidnap-for-ransom, nandiyan sa Jolo ang Abu Sayyaf, at lahat na. At ang utos ko sa kanila, at pag sila’y lumaban, durugin para matapos na ang problema ng Pilipino,” banat ni Pangulong Duterte.

Sinabi naman ni CPP founder Jose Maria Sison na malisyosong psywar daw ang mga pinagsasabi ni Esperon.

Source: Philstar | UNTV | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén