Local News

“Malapit na Managot si DU30! Peke ang Angas niya” – Foreign Human Rights Advocate

Itong nakaraang buwan ay naging laman ng balita ang human rights activist na si Phlim Kine dahil sa komento nito laban kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte .

Magugunita na noong maitalaga bilang co-chair ng Inter-Agency Committee Against Illegal Drugs (ICAD) si Vice President Leni Robredo ay sinabi ni Kine na tutungo daw siya sa Pilipinas at magbibigay ng payop kay para itigila ng kampnaya kontra-droga ng gobyerno ng Pilipinas at ang una raw niyang rekomendasyon kay Robredo ay ipaaresto s Duterte.

“Dear VP @lenirobredo – my bags are packed and I’m ready to come to the #Philippines to help advise how to end this murderous “drug war.” Meanwhile here is my Recommendation No. 1: Arrest #Duterte and his henchmen for inciting & instigating mass murder,” boladas ni Kine.

Si Kine ay director of research and investigations at Physicians for Human Rights at dating deputy director Human Rights Watch’s Asia Division .

Ang patutsada na ito ni Kine ay hindi pinalampas ni Pangulong Duterte. Ayon sa Pangulo, sasampalin niya daw si Kine sa harap mismo ni Robredo.

“Ganun ang salita sa akin. P****** i**, Leni, sa harap mo sampalin ko ‘yan. Dalhin mo dito. I dare you, invite him. Sinabi ko kasi sa Immigration, papasukin ninyo. I dare you. Kung talagang dedicated ka, papasukin mo dito ‘yang p***** i**** ‘yan. Puntahan kita sa opisina mo, sampalin ko ‘yan sa harap mo. Ito isampal ko. Totoo…. Dalhin mo sa opisina, pupuntahan ko kayo. Sampalin ko ‘yan sa harap mo. Bastos ‘yan,” resbak ni Pangulong Duterte.

Kamakailan lang ay bumoladas na naman si Kine laban kay Pangulong Duterte. Sa kanyang social media account, sinabi ni Kine na peke ang angas ni Pangulong Duterte at malapit na raw itong managot.

“‘Jail me, hang me’: #Philippines Prez #Duterte says he won’t answer to @IntlCrimCourt http://bit.ly/36Wv22A The palpably false bravado of a fearful confessed killer – accountability is coming whether he likes it or not,” banat ni Kine.

Source: Twitter | Archived

Leave a Reply

Theme by Anders Norén