Local News

DU30, Pinatanggal ang Bullet-Proof Glass Protection sa kanyang Talumpati!

Sa simula ng kanyang talumpati para sa pamamahagi ng titulo ng lupa para sa mga kababayan natin sa General Santos City, ipinatanggal ni Presidente Rodrigo Duterte ang bullet proof glass sa kanyang harapan na magsisilbing sanang proteksyon laban sa mga masasamang loob.

“Bakit ninyo ako babarilin wala naman akong kasalanan sa inyo? Pumili kayo dito sa kanila, mga dating military, general. Huwag na iyong mga politiko kasi naglilingkod lang kami sa inyo… Tanggalin niyo nga ito. Ayoko magsalita. Gusto ko ‘pag namatay ako kayo ang sisisihin,” sabi ng Presidente sa wikang dayalektong Bisaya.

Hindi ito ang unang pagkakataon na naglagay ang Presidential Security Group ng bullet proof glass para proteksyunan ang Presidente. Magugunita noong unang bahagi ng Abril ng kasalukuyang taon ay gumamit din ang PSG ng nasabing proteksyon sa isang speaking engagement ng Pangulo.

Source: GMA News | GMA News | GMA News | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén