Local News

DU30, Tutulungan ang Batang may Malubhang Sakit sa Atay (Biliary Atresia)!

Nangako si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tutulungan niya si Sophie Aguilo, ang 2-anyos na batang babae na may sakit na biliary atresia , isang matinding karamdaman sa atay.

Naka-usap na ni Pangulong Duterte ang mga magulang ni Aguilo at hinikayat ang mga ito na huwag nang pumunta sa ibang bansa upang magpa-transplant. Gusto ni Pangulong Duterte na gawin na lang sa National Kidney Transplant Institute (NKTI) sa Pilipinas ang operasyon. Kung magkakataon, ito ang unang beses na magkakaroon ng liver transplant sa bansa.

Isa sa rason kung bakit gusto ni Pangulong Duterte na isagawa ang operasyon sa Pilipinas ay dahil makakatanggap ng mas mabuting pre and post-operative care ang paslit mula sa mga ahensiya ng gobyerno.

Naki-usap din si Pangulong Duterte sa mga magulang ni Sophie na pagtiwalaan ang kakayahan ng mga doktor sa NKTI. Ayon sa Pangulo, kaya ng mga doktor sa naturang pasilidad ang mga operasyon na ginagawa sa ibayong dagat.

“Subukan natin dito. Ako naniniwala ako. Hindi ako nambabarat—may pera at tutulong ako,” sabi ni Pangulong DUterte.

Nabanggit din ni Pangulong Duterte ang isang kaso ng sanggol na may Biliary Atresia. Tinulungan ni Pangulong Duterte ang pamilya nito na makarating sa bansang India para makapagpa-opera, ngaunit sa kasamaang palad ay nasawi ito.

Ayon sa wesbtie ng Presidential COmmunications Operations Office (PCOO), ang pagpapagamot sa isang pasyente na may Biliary Atresia ay maaaring umabot sa P3.6 million.

“Pediatric liver transplantation, before, during and after operation, will be done through the partnership of PCMC and TMC until the time when NKTI can solely perform pediatric and adult living donor liver transplantation. The estimated cost for every patient will be P3.6 million,” ayon sa ulat ng PCOO.

Source: Philippine Star | PCOO

Leave a Reply

Theme by Anders Norén