Local News

Durugin! Utos ni PDU30 kay Parlade, Puksain ang mga Rebeldeng Komunista!

Sa kanyang interview sa himpilang DWIZ, ibinahagi ni Lt. General Antonio Parlade ang naging utos sa kanya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ukol sa pagsugpo sa mga rebeldeng komunista.

Ayon sa heneral, sinabihan siya ng Presidente na huwag tigilan ang mga terorista at huwag bigyan ng pagkakataon.

“Sabi niya (President Duterte), ‘Kamusta ka Gen. Parlade? ‘Yung ginagawa mo mukhang nasasaktan sila doon! Tuloy-tuloy mo lang dahil tinamaan sila ng husto. Upak-upakan mo pa at ituloy-tuloy mo lang. We really want to end this insurgency. Huwag mong iwanan kahit dapang-dapa na ay apak-apakan mo pa’. That was his specific words to me,” sabi ni Lt. Gen. Parlade.

Hindi raw mangyayari ang pagtatagumpay laban sa mga rebeldeng komunista kung hindi dahil sa suporta ni Pangulong Duterte.

“These things are happening now because we have a very supportive President,” dagdag pa ng army official.

Source: DWIZ

Leave a Reply

Theme by Anders Norén