Local News

Durugista, Todo Ngiti sa Picture Matapos Mahuli sa Anti-Drug Operation! “Zero Killings” Policy ni Leni, Nasunod!

Buhay ang durugista na si Roche Inoc, 25-anyos, nang maaresto ito ng otoridad sa anti-drug operation. Sa operasyon na isinagawa ng Carbon Police Station, nakuha sa suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang nakakahalaga ng P61,000.

Kapansin-pansin sa litrato ma todo-ngiti pa si Inoc matapos ang pagkaka-aresto nito. Si Inoc ay residente ng Sitio Warwick Barracks.

Ilan sa mga direktiba na isinusulong na maipatupad ni Vice President Leni Robredo nang maging co-chair ng Inter-Agency Committee on Illegal-Drugs (ICAD) ay ang “zero killings” sa giyera kontra-drogang gobyerno. Ayon kay Robredo, ayaw niya daw na may masayang na buhay maging drug lord o small-time pusher.

“We should have many resources and time to run after the big fish. That is my directive. But the killings, whether big-time (traffickers) or small fry, that is not part of the deal… Killing is not part of our plan because that is outside the bounds of the rule of law. That is my directive,” boladas ni Vice President Robredo.

Nitong Martes ay nahuli din ng mga otoridad si Arsley Jylle Olis Abangan, 19-anyos, sa isinagawang anti-drug operation sa Brgy. Labangon, Cebu City.

Nakuha mula sa durugista ang 105 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P714,000.

Makikita din sa mga larawan ni Abangan na nag-posing pa ito na naka-wacky face na tila kinukutya ang mga alagad ng batas.

Ang mga polisiya na gustong ipatupadd ni Robredo ay pinupuna ng ilang mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ayon kay Senador Cristopher “Bong” Go, tila gustong paramihin ng bise presidente ang mga drug lords at itinatrato ang mga ito na parang mga sanggol. Banat naman ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, giyera ang pinasok ni Robredo kaya dapat itong lumaban.

“Sa tingin ko gusto niya (Robredo) atang i-baby ang drug lords, gusto niya ata paramihin?… I’m sure kung hindi mo idaan sa takot itong drug lord na ito, dadami ang drug lord, dadami ang biktimang Pilipino,” sabi ni Senador Go.

“Ang sinalihan niya is war on drugs at ang kalaban mo diyan ay mga sira ulo, ang kalaban mo diyan ay malalaking sindikato. So how can you wage a war without fighting? So, she has to fight,” ayon naman kay Senador Bato.

Source: The Freeman

Leave a Reply

Theme by Anders Norén