Local News

Panoorin: Durugistang Chinese, Dinuraan ang Pulis na Humuhuli!

Isang Chinese National ang inaresto ng kapulisan matapos magpaharurot ng sasakyan nang sasawayin ito ng mga alagad ng batas dahil sa paglabag sa number coding sa lungsod ng Maynila.

Bukod sa paglabag sa batas trapiko ay nakitaan pa ito nang ilang pakete ng hinihinalang shabu.

Base sa salaysay ng mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), pinara nila ang Tsino sa may Binondo para sawayin. Pero imbes na tumalima sa otoridad ay pinaharurot pa raw nito ang sasakyan hanggang sa umabot sa Tayuman.

Dahil sa ginawa ng Tsino, ilang sasakyan din ang nadamay.

Na-cormer ng mga otoridad ang Tsino at nagtulong-tulong na buksan ang sasakyan nito. Isang babaeng pasahero ang nakitang kasama ng Chinese National.

Hindi marunong mag-ingles ang Tsino kaya naghanap pa ng interpreter ang mga pulis upang magkaintindihan sa ginawang pagsisiyasat.

Ang pulis na umaaresto ay dinuraan pa ng suspek na Tsino.

Mahaharap ang kawatan sa kasong direct assault at iba pang patung-patong na kaso.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén