Local News

Durugistang Nanay, Tinuruan ang Anak na Paslit na Bumaril ng Pulis!

“(Anong gagawin mo?) Babarilin. (Sino?) Mga pulis,” sabi ng paslit.

Ikinabahala ng otoridad ang narekover na video mula sa high-value target at durugistang si Fatima Sultan. Mapapanood kasi sa video na tinuturuan nito ang paslit na anak na makipag-barilan sa mga pulis kung sakaling huhuliin daw ito ng mga alagad ng batas.

Si Sultan ay miyembro ng sindikato mula sa Mindanao. Nahuli ito matapos makipagpalitan ng putok sa mga Bacoor Police. Nakuha kay Sultan ang P170,000 halaga ng ipinagbabawal na gamot at dalawang armas. Si Sultan at ang grupo nito ay dating nag-o-operate sa Cotabato City pero dinala kanilang operasyon sa Calabarzon.

Noong Abril, naka-engkwentro na ng kapulisan ang mga kasamahan ni Sultan sa sindikato. Tatlo sa mga ito ang nasakote habang isa ang binawian ng buhay.

“Nakipag-engage sa tropa natin. Hindi lang tayo masyadong nakapag-retaliate dahil ang buck stop niya ay mga sibilyan sa likod. Ito kasing si Fatima, ito ‘yung remaining miyembro doon (sa sindikato). So, totally dismantled na ‘yung grupo nila,” sabi ni Bacoor City Police Chief PLTCOL. Vicente Cabatingan.

Nahuli rin ng otoridad ang mga runners ni Fatima sa isinagawang hiwalay na operasyon. Ang mga naturang runners ay dayo din daw sa Calabarzon.

Ito po ang ilan sa mga reaksyon ng kababayan natin sa ginawa ng nanay na durugista sakanyang anak na menor de edad.

“para maligtas ina, anak ang ipahamak. Anong klaseng pag iisip ng magulang ang ganyan?” sabi ni C. Macuroy.

“Kung yung isa ginawang panangga. Eto naman ginawang taga baril. Ayos. Droga pa more,” sabi ni J. Cee.

“Alm na ang future ng batang yan pglaki nya. Kya dpat mtuwid yan bgo mhuli ang lhat s knya kundi rehas o kabaong ang bagsak nyan.,” sabi ni N. Nastor.

“Yung mga adik dapat kinakapon pra ndi na makapag parami…..Wlang maituturong mabuti an magulang na adik. Kung kinuha na xa habang bata ndi xa mapupunta sa imp

Source: ABS-CBN | ABS-CBN

Leave a Reply