Local News

Duterte-Duterte sa 2022? Patay ang Oposisyon! – Sec. Panelo

Sa kanyang programang Counterpoint, inilutang muli ni Secretary Salvador Panelo ang tambalang Rody Duterte at Sara Duterte sa susunod na eleksyon. At kung sakaling maging reyalidad ang pagtakbo ng dalawa ay panigurado daw na matatalo ng husto ang mga oposisyon.

Tiniyak din ng kalihim na tatapusin ng Presidente ang termino nito.

“Gusto ko itong Presidenteng ito tumakbong bise presidente, sa kanyang tatakbo o pinatatakbo rin na anak na si Mayor Sara Duterte na presidente. ‘Di po ba ang ganda, Duterte-Duterte, oh wala na. Patay ang oposisyon kapag tumakbo itong dalawang ito. Ginawa na nila iyan sa Davao. Mayor si Presidente Duterte at ang Vice Mayor niya ay ‘yung anak niyang si Mayor Sara Duterte. Maniwala ba kayo na noong nagtandem yung dalawa, wala ng tumakbo. Ganoon katindi kalakas,” sabi ni Panelo.

Magugunita na noong Disyembre 2019 ay lumabas sa pre-election survey ang tambalang Duterte-Duterte. Ayon sa inilabas na survey ng political consultancy firm na PUBLiCUS Asia, Inc, nanguna ang tambalang Duterte-Duterte sa Visayas at Mindanao Region.

Dahil sa naging resulta ng pre-election survey ng PUBLiCUS Asia, kinuha ng mga mamahayag ang reaksyon noon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo. Ayon kay Panelo, sinabi niya ang resulta ng survey kay Pangulong Duterte at ngumiti daw ang Presidente.

“Election is very far from his mind. Running from any office is far fetch at this time. His focus on his constitutional duties to serve and protect the people until the end of his term, he will do it with passion and dedication. And no force on earth or organizations or persons can stop or impede him from doing such task assign to him by the constitution,” dagdag pa ni Secretary Panelo.

Source: News5 | Manila Times | Philstar | PCOO via Ang Malayang Balita

Leave a Reply

Theme by Anders Norén