Local News

Duterte, Ginawa raw ang Lahat ng Makakaya: “Kung kulang pa ‘yon, pasensya na po.”

Buong-pusong nagpasalamat si Pangulong Duterte sa taumbayan na aniya’y binigyan siya ng pagkakataon na manungkulan bilang Pangulo ng Pilipinas sa loob ng anim na taon.

Sa nalalapit na pagbaba sa pwesto ni Duterte bilang Presidente, ilang makabuluhang pahayag ang kanyang binitiwan sa kanyang talumpati, batay sa ulat ng ABS-CBN News at GMA News.

“In a few days, I’ll be out. Iyong nagawa ko, para sa akin, ‘yon na ‘yon, the best that my efforts can really achieve. Kung kulang pa ‘yon, pasensya na po, hindi ko na talaga kaya,” saad ni Pangulong Duterte.

“The things that I failed to do were mostly not because of negligence or may mga shortcomings ako but talagang time. Six years would not be enough to finish all the projects,” saad pa ng Presidente.

Matatandaang nang manungkulan si Duterte bilang Pangulo ay nauna na nitong ipinangakong susugpuin ang ilegal na droga sa bansa, gayun din ang korpasyon sa pamahalaan.

“Maraming salamat po sa inyo and your help in my journey in the 6 years na binigyan n’yo ako ng honor maging presidente ng Pilipinas.,” pagtatapos ni Duterte.

Samantala, nagpaabot naman ng kanya-kanyang pasasalamat ang mga netizens para sa Pangulo.

Source: ABS-CBN News, GMA News

Leave a Reply