Local News

Duterte handa ng Sibakin sa Puwesto si Faeldon kung…

Sa isang panayam, sinabi ni Senator Chrsitoper “Bong” Go na nakahanda na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tanggalin sa puwesto si Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon kung mapapatunayan na nakagawa ito ng serious lapses sa paglabas nito ng kautusan upang mapalaya si ex-mayor Antonio Sanchez, mga durugista at ilan pang high-profile na preso.

Nag-atas na raw ng masusing imbestigasyon si Pangulong Duterte upang malaman kung sino ang responsable sa muntikang paglaya ni Sanchez at pagpapalaya sa mga durugistang Tsino gamit ang good behavior under Republic Act 10592 or the Good Conduct Time Allowance (GCTA) law. Ayon kay Go, niniwala daw si Pangulong Duterte na hindi kuwalipikado ang mga tulad ni Sanchez at iba pang presong nakagawa ng karumal-dumal na krimen sa GCTA law.

“What the President wants is for those liable to be held accountable. From top to bottom, whoever allowed them to slip out should be made to answer… Even if we’re friends before, we’ve a fight against corruption in government, on criminality or the fight against illegal drugs, so if there’s a question of how the Chinese drug lords were able to get out, we have a problem,” pahayag ni Go sa media.

Ibinunyag din ni Go na noong nalaman ni Presidente Duterte ang balita tungkol sa posibilidad na makalaya si Sanchez ay agad itong nagbigay ng kautusan kay Faeldon na ihinto ang pagpapalaya sa dating alkalde na na-convict sa rape-slay case sa dalawang estudyante ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) na sina Eileen Sarmenta at Allan Gomez.

Sa nangyaring hearing sa senado, sinabi ni Faeldon na noong Hulyo ay piniit niyang harangin ang pagpapalaya kay Sanchez pero nagbabala ang ilang BuCor officials kay Faeldon na maari itong maharap sa demanda. Handa naman si Faeldon at ilang BuCor officials na sumailalim sa lifestyle check.

Source: Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén