Local News

‘Duterte is Pathetic’ – Banat ni 2017 Ms. Bb Pilipinas International

Sa isang social media post, tinawag ni 2017 Binibining Pilipinas International Maria Angelica “Mariel” de Leon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte at si Spokesperson Salvador Panelo na “pathetic” o kaawa-awa. Kalakip ng social media post ni De Leon ay ang video kung saan kino-contact ni Panelo si Vice President Leni Robredo upang kausapin tungkol sa alok ni Pangulong Duterte na maging drug czar ito.

This dude -and his boss- are pathetic.” boladas ni De Leon sa kanyang Twitter post.

Magugunita na kinainisan ng mga taga-suporta ni Pangulong Duterte si De Leon noong 2017 nang mag-tweet ito laban sa kampanya kontra-droga ng pamahalaan. Banat ni De Leon noong 2017, “Bloody Philippines”.

Noong sumali ito at natalo sa 2017 Miss International Beauty Pageant, binuweltahan naman siya ni Davao City Mayor at Presidential Daughter Sara Duterte. Ayon kay Mayor Sara, nakadama daw siya ng “schadenfreude” nang matalo si De Leon.

Ang “schadenfreude” ay salitang aleman (German) na ang ibig sabihin ay pagiging masaya sa kamalasan ng iba.

Buwelta pa ni Mayor Sara, may karanasan daw siya kay De Leon.

“Meron ako personal experience sa kanya, but I’m too tired to make kwento. I believe pageant judges see through the physical beauty and examine the heart. Para bang Ms. Venezuela sa Ms. Universe 2016. Parang ganyan. This is a schadenfreude moment for me. Sa binisaya pa, ang gabà di gyud magsabà,” resbak ni Mayor Sara.

Sumagot naman si De Leon sa banat ni Mayor Sara.

“If another person’s ‘misfortune’ pleases you, it just shows how insecure and unhappy you are with your life.” sagot ni De Leon.

Ang sagot ni De Leon ay agad sinopla naman ng Alkalde ng Davao.

“Nase-schadenfreude kami, insecure at unhappy agad, di ba pwedeng tulad mo ay sadyang maldita lang talaga kami. Ano ika-insecure sa talo mo? Pinili ko maging lawyer hindi beauty queen at naipasa ko ang bar exam ng isang take lang. Ikaw ilang beses ka nga ba natalo? At take note, pareho tayo mataba, wala ka lamang jan. Juicekow.” banat ni Mayor Sara.

Narito po ang “befroe and after” photos ni De Leon na nakita namin sa Google.

Source: Mariel De Leon | Inquirer | GMA News | PEP | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén