Local News

Duterte, Maari nang Maaresto ‘Pag Natapos ng ICC ang Imbestigasyon! – Neri Colmenares

Kamakailan lang ay lumabas sa ilang media outfits ang balitang maaring matapos na ang preliminary examinations ng International Criminal Court (ICC) sa kasong crime against humanity na isinampa ng ilang kampo ng oposisyon laban kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa susunod na taon.

Nagsalita naman ang human rights lawyer at dating kongresista ng Bayan Muna na si Neri Colmenares sa isyu. Ayon kay Colmenares, maari daw maglabas ng arrest warrant laban kay Pangulong Duterte.

“Once it is with the chamber, it is now possible for the prosecutor to request for the issuance of a warrant of arrest,” sabi ni Colmenares.

Boladas pa ni Colmenares, mahihirapan na daw gumalaw si Pangulong Duterte kung mailalabas ang worldwide arrest warrant laban sa Pangulo.

Tinabla naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang sinabi ni Colmenares. Kinuwestiyon din ni Secretary Panelo kung maipapatupad ang arrest warrant ng ICC.

“Even if they (ICC) issue a warrant, who will enforce? It’s not that simple. First, a preliminary examination has to be conducted first and then they have to determine if they have jurisdiction. Second, there will be a preliminary investigation to determine whether there is probable cause. If there is, there would be a trial…assuming there is jurisdiction. But there is none, as far as we’re concerned,” resbak naman ni Secretary Panelo.

Banat pa ni Sec. Panelo, tila hinihiniling lang ni Colmenares na maaresto si Pagulong Duterter pero hindi raw ito mangyayari.

“It’s just a wish of (former) congressman Colmenares. That won’t happen,” dagdag pa ng tagapagsalita ng Pangulo.

Source: Inquirer | Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén