Local News

Panoorin: Duterte, may Banat kay Cory tungkol sa Hacienda Luisita at Popularidad!

Sa kanyang talumpati sa Mindanao-wide ceremonial distribution of land certificates to agrarian reform beneficiaries sa lungsod ng Davao, may pahapyaw si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa dating presidente na si Cory Aquuino. Ayon sa kasalukuyang Pangulo, sumikat daw si Cory dahil sa pagkasawi ng asawa nito na si former Senator Benigno Simeon “Ninoy” Aquino Jr.

“Itong kay Cory Aquino ganito ‘yan. Cory Aquino may be popular. She is popular today. Why? For losing the husband in the hands of Mr. Marcos,” sabi ni Pangulong Dutete.

Sinabi ito ni Pangulong Duterte, isang araw matapos ang ika-10 taong anibersaryo ng pagpanaw ni Cory.

Banat pa ng kasalukuyang Punong Ehekutibo, hindi daw isinama ni Cory ang Hacienda Luisita noong nagdeklara ito ng land reform noong presidente pa ito. Ang Hacienda Luisita ay lupaing pagmamay-ari ng pamilya ni Aquino.

“Because Aquino declared land reform for the entire Philippines but exempted Doña Luisita, her own land. To the many — to those who really wanted to be freed from Marcos, that’s another feeling, maybe of gratitude.
Pero ‘yung — when she said, ‘I would like to declare land reform in all of the Philippines.’ Hindi niya sinali ‘yung kanya. She exempted her… So you [call her?] what? The one who freed, emancipated… It’s incongruity,
they call it,“
banat ni Pangulong Duterte.

Ikinonekta din ni Pangulong Duterte ang isyu ng lupain sa bentahan ng asukal.

“So ‘yan ang Luzon. Itong — when you are dealing with itong mga tao sa Central Luzon pati Bacolod. Why Central Luzon? Because of sugar. ‘Yung sugar quota. That was it. Because America gave the Philippines a premium price for sugar. Kaya ‘yung sugar quota noon, pinagbibili ‘yun, pinagagawan kagaya nitong lotto ngayon, itong mga STL… Kaya ang sugar malakas. Where? In Negros and in Central Luzon. Both. Ikaw, taga-doon ka man. Both Cojuangco ‘yan. Meron sila doon ‘di ba? [Ponteverde?]. They have a large land doon. In Central Luzon and that’s in Luzon and in the Visayas,“ dagdag pa ni Pangulong Duterte.

Pinirmahan ni Cory ang agrarian reform law noong 1988 upang maipamahagi ang 7.8 milyong lupaing pang-agrikultura sa mga magsasaka.

Noong 2012, naglabas ng kautusan ang Korte Suprema upang ipamahagi ang 4,915 na hektarya ng lupaing pang-agrikultura sa 6,296 na orihinal na benepisiyaryo nito. Ngayong taon, nangako ang Department of Agrarian Reform (DAR) na patuloy nilang ipapamahagi ang bahagi ng lupain ng Hacienda Luisita sa mga magsasaka.

Source: Manila Bulletin | ABS-CBN | RTVM

Leave a Reply

Theme by Anders Norén