Local News

‘Duterte, Nangangatog na sa Takot sa ICC’ Ex-Rebel Trillanes, Bumoladas laban sa Presidente

Laman ngayon sa social media ang pahayag ng International Criminal Court (ICC) ukol sa pagsisiyasat nila sa kampanya kontra-droga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ayon sa ICC, may nakita silang “risonableng basehan” na mayroong crimes against humanity sa habang ipinatutupad ang drug war ng Duterte Administration.

“The Office is satisfied that information available provides a reasonable basis to believe that the crimes against humanity of murder, torture and the infliction of serious physical injury and mental harm as other inhumane Acts were committed on the territory of the Philippines between at least 1 July 2016 and 16 March 2019, in connection to the [war on drugs] campaign launched throughout the country… The Court retains jurisdiction over alleged crimes that have occurred on the territory of the Philippines during the period when it was a State Party to the Statute, namely from 1 November 2011 up to and including 16 March 2019,” patutsada ni ICC Prosecutor Fatou Bensouda.

Ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, matagal ng kumalas ang Pilipinas sa ICC, kaya wala na itong “jurisdiction” sa ating bansa.

“That’s speculative. But in any case, gawin nila ang gusto nilang gawin. Sinabi na natin na hindi natin kinikilala ang jurisdiction ng ICC,” resbak ni Sec. Roque.

Dahil sa naging pahayag ng ICC, bumoladas naman ang dating rebeldeng sundalo na si Antonio Trillanes. Patutsada ni Trillanes, kailangan ng managot ni Pangulong Duterte. Tiyak din daw siya na nangangatog na sa takot ang Presidente.

“The time for reckoning is near for Mr. Duterte, his cohorts and enablers. They have to answer for the thousand of Filipino lives killes during his brutal war on drugs. Duterte may try to ignore the jurisdiction of ICC over him, but deep inside he knows that he cannot get away from this one. Having profiled Duterte, I am sure na nanginginig na ‘yan sa takot,” kuda ni Trillanes.

Source: News5 |

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: