Local News

Panoorin: Duterte, Pinaimbestigahan na si PNP Chief Albayalde

Kinumpirma ng opisyal sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na isinasailalim nila sa imbestigasyon ang kasalukuyang Hepe ng Philippine National Police (PNP) na si Oscar Albayalde. Ito ay matapos ang alegasyon na nangialam umano ito sa kaso ng “Ninja Cops” na nagsagawa ng manomalyang anti-drug operations sa Pampanga noong 2013.

“We support the PNP chief, but that doesn’t mean we will not make a fair and thorough investigation… Therefore what we can promise the public is that the investigation will be fair and thorough,” sabi ni DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya.

Ayon sa ulat ng Manila Times, si Presidente Rodrigo Roa Duterte mismo ang nagbigay ng direktiba kay DILG Secretary Eduardo Año na paimbestigahan si Albayalde.

“The directive of the President was on the PNP chief. With regard to the ninja cops issue, that is part of the regular function of the PNP. They have their own internal cleansing program,” dagdag pa ni Malaya.

Magugunita na sa senate hearing, sinabi ni former Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief Benjamin Magalong na isa si Albayalde na nagkaroon ng magarang sasakyan matapos ang nangyaring operasyon.

“Nabanggit po na pati ‘yung [Pampanga] provincial director, mayroon din siya [na SUV],” sabi ni Magalong sa pagdinig sa senado.

Si Albayalde ang provincial director ng Pampanga noong nangyari ang maanomalyang operasyon laban sa droga.

Ang alegasyon ni Magalong ay agad pinabulaanan at sinagot ni Alabayalde. Sinabi ng PNP Chief na mayroon lamang siyang lumang model ng pick-up truck noong panahon na iyon.

“I really don’t know what personal gripes Major Magalong here has against me because this happened in 2013. What I have in 2013 was a pick-up truck, the model I don’t know, an old model one. I can even say that I bought that from a neighbor,” paliwanag ni Albayalde.

Source: Manila TImes | Inquirer | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén