Local News

Duterte, Pinakasikat na Lider sa Buong Mundo ayon sa Arab Newspaper

Sasakit na naman ang damdamin ng mga kritiko ng Duterte Administration dahil sa inilathalang artikulo ng banyagang pahayagang Gulf News.

Inisa-isa kasi ng United Arab Emirates-based newspaper ang mga rason kung bakit maituturing na pinakasikat na lider si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa buong mundo.

Ayon sa editor ng Gulf News na sina Jay Hilotin and Christian Borbon, kahit na dumaan sa sigalot ang Pilipinas dahil sa COVID-19 pandemic ay nananatiling naniniwala ang mga Pilipino sa liderato ni Pangulong Duterte. Magugunita na nakakuha ng 91% antas ang Presidente sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.

“Filipinos have kept faith in President Rodrigo Roa Duterte, whose popularity has gone through the roof this year… It was the first major poll on Duterte conducted in the wake of the COVID-19 health and economic crisis. The results stunned his critics and analysts. For his supporters, it was an affirmation that Duterte is the only leader able to steer the country in these difficult times… It was the first major poll on Duterte conducted in the wake of the COVID-19 health and economic crisis. The results stunned his critics and analysts. For his supporters, it was an affirmation that Duterte is the only leader able to steer the country in these difficult times,” sabi ng Gulf News.

Ikinumpara din ng peryodiko ang popularidad ni Pangulong Duterte kay Russian President Vladimir Putin na may 60 percent approval rating noong Hulyo 2020.

Isinama din ng Gulf News ang maambisyong Build Build Build Program ng Administrasyon sa mga rason kung bakit sikat na sikat si Pangulong Duterte.

Source: Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén