Local News

Duterte, Umamin na Malapit ng Maging Cancer ang Kanyang Sakit!

Sa kanyang public address nitong Martes, ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sinabihan siya ng kanyang mga doktor na malapit nang maging stage one cancer ang kanyang sakit na Barrett’s esophagus. Kaya pinapayuhan na siya ng kanyang mga doktor na huwag nang uminom ng alak upang hindi na lumalala ang sitwasyon ng kanyang sakit.

“Matagal na kami sa gobyerno, magpa-retire na lang, bakit pa namin pagsayangan? Kakaunting panahon na lang ang naiwan so walang — walang — walang ganang — wala nang ganang kumain. May pera ka naman, hindi ka na makakain kay sabi ng doktor huwag kang kumain ng taba kasi mamatay ka. Ikaw Duterte, huwag ka nang uminom kasi ‘yang Barrett mo nearing stage one ka sa cancer… Ang amin, ang iwan na lang ang trabaho. Kasi pagharap namin sa Diyos and tanungin ka na, “O ikaw Rodrigo, anong ginawa mo?” Sabi ko, “Ginawa ko man lahat.’,” sabi ni Pangulong Duterte.

Magugunita na inamin na noon ni Pangulong Duterte na mayron siyang Barret’s disease dahil sa pag-inom ng alak. Ayon sa website ng Johns Hopkins Medicine, maaaring mauwi sa esophageal cancer ang Barret’s disease.

Source: Manila Bulletin | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén