Local News

“#DutertePerwisyo2020 #LegacyMoMukhaMo” Ibinahagi ng Trillanes Facebook Page Admin!

Kamakailan lang ay nag-launch ang Presidential Communications Operations Office ng Duterte Legacy Campaign para ipaalam sa madlang Pilipino ang mga nagawa ni Pangulong Duterte sa loob ng tatlong taong pamumuno nito.

Ilan sa mga ibinida sa infographics ng PCOO ay ang 4.1 million na trabaho na nalikha dahil sa Build. Build. Build. program ng pamahalaan. Ang pagligtas sa 2,799 na mga kabataan mula sa droga. Pagbibigay ng 596,859 disente at abot-kayang pabahay sa mga kababayan nating mahihirap. Mayroon din daw 71,803 na silid-aralan na naipagawa ang panahalaan. Umabot din daw sa 9,845 kilometrong kalsada ang naipagawa ng administrasyon ni Pangulong Duterte.

“He (Duterte) is the face, the voice, and the spirit of a nation that has been revived from lethargy and indifference, towards a horizon of positive and meaningful change… Through the ‘Duterte Legacy’ Campaign, we are grateful and privileged to showcase through print and digital media, the honest summaries of successes and sacrifices of public servants in order to achieve our national goal of development… Amidst all these, the President emphasized the deeper, more serious crises before us — the evil that he has seen face to face, the evil that surrounds us, and the evil that is within us. He pledged to change all that, at the expense of his life, in the war he declared against illegal drugs, corruption, and criminality… On the third year of his administration, his battle-cry continues to confront these evils with great intensity, and no other leader has yet approximated his conquests. This is his legacy unfolding,” sabi ni PCOO Secretary Martin Andanar.

Ang mga nagawa na ito ni Pangulong Duterte ay agad naman kinontra ng Facebook page admin ni former senator Antonio Trillanes. Nagbahagi ang social media account ni Trillanes ng isang infographics na kung saan makikita ang paninira kay Pangulong Duterte. Mapapansin na may pagkakaparehas ang layout nito sa iunfographics inilabas ng PCOO.

Mababasa sa inforgraphics na ibinahagi ng Facebook Admin ni Trillanes ang mga hashtags na “#LegacyMoMukhaMo” at “DutertePerwisyo2020”. Makikita rin ang ilang madalas na paninira na ginagamit laban sa Pangulong Duterte.

Source: PCOO | Antonio Trillanes’ Facebook Page | Alfred Calayo |Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén