Local News

‘Eh kung Pinturahan din ang Opisina ng Leftist Front ng Anti-Communist Slogan?’ – Army Officer

Naging laman ng balita nitong umpisa ng linggo ang ginawang pambababoy ng leftist group na Panday Sining sa bagong linis na underpass sa Maynila.

Dahil sa ginawang kabalbalan ng mga militante ay maraming nagalit sa mga ito.

Isa sa bumanat sa mga aktibista ay ang army officer na si Lt. Col. Harold Cabunoc. Hindi pinalampas ni Cabunoc ang pahayag ng Panday SIning na artwork ang ginawang bandalismo sa underpass. Tanong ni Cabunoc, pinturahan din daw kaya ang mga opisina ng mga leftist Front Organizations ng mga anti-communist slogan.

“Art work daw to sabi ng mga komunista na parte sa White Area Operations ng Revolutionary Urban Committee ng CPP-NPA-NDF.

Eh, kung pinturahan din ng anti-communist slogans ang mga opisina ng front organizations nila sa mga syudad dahil marami ring dismayado sa mga consistent haters gaya nila?

Ano sa palagay nyo?” resbak ni Cabunoc.

Pinuri din ni Cabunoc ang naging pahayag ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso” laban sa mga aktibistang nambaboy sa underpass.

“Ganyan dapat ang isang local chief executive, di takot sa mga komunista!

Pairalin ang batas at di hayaang babuyin ang ating lugar ng pabebeng komunista.

Suporta kami sa LGU sa pagkontra sa mga paninira ng mga komunista sa pamahalaan para makalikom ng pondo o kaya makarekrut ng miyembro.

Well done, Yorme!” sabi ni Cabunoc.

Magugunita na sa isang pahayg ay galit na sinabi ni Mayor Isko na ipadidila niya sa mga aktibista ang pader na dinumihan nila. Pupuntiryahin din daw ng alkalde ang allowance na ipinagkakaloob ng gobyerno sa mga rebeldeng estudyante.

“Huwag kayong pahuhuli sa akin. Sige, human rights… ‘pag nahuli ko kayo, padidila ko sa inyo ‘to. Buburahin niyo ‘to ng dila niyo…. The same money that you pay our government, we are going to use, ang gagawin ko sa mga raliyista na ‘to, ‘yung pera na ibibigay ko sa inyo sa edukasyon, yon ang gagamitin ko para ipampintura ko ng dinumihan ninyong pader. O, magutom kayo lahat sa loob eskwelahan.,” banat ni Mayor Isko.

Source: Army Officer Harold Cabunoc | Army Officer Harold Cabunoc

Leave a Reply

Theme by Anders Norén