Local News

Electoral Disqualification laban sa Makabayan Bloc, Isa sa Pinagpipiliang Aksyon! – National Security Adviser

Isa sa mga pwedeng pagpilian ng gobyerno at ng ilang grupo laban sa Makabayan Bloc ay ang electoral disqualification, ayon ito kay National Security Adviser Hermohenes Esperon.

“That is an option. It may not be us, it might be the citizenry themselves, or groups that think they should not become part of this party-list system,” sabi ni Esperon.

Nilinaw ni Esperon na walang ginagawang iligal ang mga makakaliwang kongresista sa kamara pero sinusuportahan daw ng mga ito ang mga “undeground” orginzations.

Sa ilalim ng COMELEC rules, maaaring maharap sa election disqualification ang isang kandidato kung ito ay mapapatunayang gumagawa ng terorismo.

“They are not doing anything illegal in Congress. They are not. But there are underground organizations that they— whether wittingly or unwittingly— support, that are connected with Communist Party of the Philippines, and the New People’s Army, and the underground National Democratic Front… There’s a very thin line between a legal organization with good advocacies and that of the organization which is providing manpower and even logistics and even support, other kinds of support to the NPA,” paliwanag ni Esperon.

Kinuwestiyon din ni Esperon ang hindi pagdalo ng mga leftist congressmen sa senate hearing ukol sa red-tagging.

“I think they could not defend themselves in the open. You know, in the Senate, we take our oath to tell the truth and nothing but the truth. Siguro baka hindi nila kayang gawin ‘yun… But if they could attend the next hearing, we would appreciate it, we would like to come face-to-face with them,” dagdag pa ni Esperon.

Ayon sa kongresista, kaya daw sila hindi nakadalo sa pagdinig sa senado ay dahil mayroon umano silang relief operations para sa naapektohan ng Bagyong Rolly.

Source: CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén