Local News

Kumpanya ng Kuryente, Susunod na Pupuntiryahin ni Pres. Duterte!

Sa pagnanais na proteksyunan ang mga consumers, inihayag na ng Malacañang ang susunod na pupuntiryahin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte matapos isiwalat ang diumano’y “dehadong” kontrata ng gobyerno sa dalawang water concessionaires (Maynilad at Manila Water).

Sa pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sinabi nito na maaaring isunod na ni Pangulong Duterte ang pagbusisi sa kontrata ng mga kupanya ng kuryente. Pagbubunyag ni Panelo, hindi palalampasin ng Presdiente ang anumang ireguralidad. Kung makikita rin daw na dehado ang mga consumers ay gagawan ito ng aksyon.

Ayon pa kay Presidential Spokesperson Panelo, bubusisiin ng mabuti din daw ng pamahalaan ang mga kontrata ng gobyerno pagdating sa usapin ng transportasyon, telekomunikasyon at iba pang public services.

Wala pa naman tinutukoy si Secretary Panelo kung anong kumpanya ng kuryente ang inaasahang sisilipin ni Pangulong Duterte.

Magugunita na nitong unang bahagi ng Disyembre ay galit na ibinunyag ni Pangulong Duterte ang tungkol sa kontrata ng mga nakaraang administrasyon sa mga water concessionaires. Sa paglalarawan ni Pangulong Duterte sa nasabing kontrata, tinawag niya itong “onerous” o tagilid sa taumbayan.

Dahil dito ay nagbanta si Pangulong Duterte na kakasuhan ng economic sabotage ang mga water companies at mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa pagbalangkas ng nasabing kasunduan . Nagpahiwatig din si Pangulong Duterte ng military take-over sa mga nasabing kumpanya.

“Ako, I’ll just prepare the charges. Kapag hindi tayo nagka-intindihan dito , economic plunder. Economic plunder there is no bail… I will order the Armed Forces to operate your water. Sige sundalo , take over kayo… And I will declare the suspension of the writ of habeas corpus but only against economic saboteurs. It will not include the NPAs because they are nosy,” he said. “And I will arrest all of you, I want to see billionaires in jail,” sabi ni Pangulong Duterte.

Source: Radyo Pilipinas | Philstar | DWIZ | Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén