Local News

Emergency Powers kay DU30 para Solusyunan ang Traffic, Suportado ni Mayor Isko!

Pabor si Manila Mayor Isko Moreno na mabigyan ng emergency power si Pangulong Rodrigo Duterte para masolusyunan ang trapiko sa Metro Manila.

Sa isang panayam, sinabi ng alkalde ng Maynila na hindi labag sa konstitusyon ang pagbibigay ng emergency powers sa Presidente basta lagyan daw ng probisyon na makakasigurado na hindi maabuso ang kapangyarihan.

“Hindi ‘yung buong-buo. Lagyan mo ng mga tamang duda, karga mo ng konti doon sa probisyon para ‘pag merong abuso gagamitin mo ‘yung mga probisyon na ito. But ako lang ha…bakit hindi natin bigyan ng pagkakataon?” sabi ni Mayor Isko.

Ayon pa sa punong lunsog ng Maynila, responsibilidad ng pamahalaan na resolbahin ang trapiko sa Metro Manila. Isa pa sap pinunto ni Moreno ay ang kumpiyansa at tiwala ng mga tao kay Pangulong Duterte.

“Di ba governance is about the people? Well, the people are happy with the leader, they have full trust… If he is the leader for that particular matter, ask Congress, ‘Congress, I need this, to implement this’ because that is his vision” dagdag pa ng alkalde.

Base sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA), nalulugi umano ang ating bansa ng 3.5 billion kada araw dahil sa napakabagal na daloy ng transportasyon sa Metro Manila.

Nitong nagdaang mga araw ay naghain na ang bagong senador na si Francis Tolentino ng panukalang batas para mabigyan ng emergency powers si Pangulong Duterte.

Ilan sa mga nakasaad sa panukalang batas ni Tolentino ay ang pagtatalaga sa Transportation Secretary bilang traffic crisis czar. Posible din daw na pabuksan ang mga private roads ng mga subdivisions para dito makadaan ang mga motorista. Kasama din sa panukalang batas ng senador ay ang pagbuo ng Traffic Crisis Action and Mobilization Plan. Kung sakaling pumasa ang panukala at naging ganap na batas, tatagal lamang ito ng dalawang taon.

Source: Inquirer | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén