Local News

Empatiya ng Gobyerno, Namatay na – Anakbayan

Nitong Sept. 30 ay nagsagawa ang ilang militanteng grupo ng transport strike para almahan ang Public Utiliy Vehicle (PUV) modernization program ng gobyerno na naglalayon na gawin mas ligtas at environment-friendly ang sinasakyan ng publiko. Nang dahil sa tigil-pasada, napilitan ang ilang apektadong eskwelahan na magkansela ng pasok.

Ang ginawang ito ng mga transport groups ay hindi nagustuhan ni MMDA (MMDA) Spokesperson Celine Pialago. Para kay Pialago, tila pagpapahirap lang ng mga pasahero ang ginawa ng mga transport groups.

“Ang gusto niyong mangyari pilayin ang commuting system at maperwisyo ang mga commuters at taong-bayan. Gusto niyong gawin iyan para marinig kayo at makita ang kahalagaan ng grupo niyo sa transport system ng Metro Manila. Pero sa totoo lang, NANGHOHOSTAGE kayo ng kaginhawaan ng mga commuters. Pinahihirapan lang ninyo ang kapwa niyo,” buwelta ni Pialago.

Binuweltahan din ni Pialago si BAYAN secretary-general Renato Reyes. Si Reyes ay kilala sa pag-o-organiza ng mga kilos-protesta.

“Tigilan mo ko Renato Reyes. Tigilan mo kaka strike mo para pahirapan ang mga pasahero dahil hindi ka magtatagumpay. Kung kaya mong mag transport strike ng isang taon baka sakali magtagumpay ka. One day? Try harder,” banat ni Pialago.

Umalma naman si Anakbayan Spokesperson Alex Danday sa patutsada ni Pialago sa kapwa niya aktibista na si Reyes.

“If you continue to turn a blind eye on the issues faced by the drivers, operators, and commuters, you just prove to us that MMDA and the rest of the government’s empathy has really ‘passed away’,” boladas ni Danday.

Nag-react naman ng ilang kababayan natin ang sinabi ng Anakbayan Spokesperson Danday.

“You’re like lugaw, do the math on how you can save with the modernization. Quiet, new petrol saving. Most of all, comfort to passengers,” sabi ni T. Bustamante.

“PUV modernization is not anti poor because it will provide the poor who rides public transport the comfort and safety that they deserve!” sabi ni E. Pichay.

“Bilang PWD dapat na ipatupad ang modernization ng mga jeepney nahihirapan din po kaming sumakay kahit po sa Bus parang wala kaming karapatan na sumakay mataas ang mga hagdanan.bigyan po ng pansin ang mga tulad namin,” sabi ni A. Alfon.

Source: News5 | MMDA Spox | MMDA Spox

Leave a Reply

Theme by Anders Norén