Local News

“Empleyado lang kita! Ako ang Amo mo! Mas Malaki Kinikita ko!” Banat ni Mayweather kay Pacquiao

Tuloy pa rin ang patutsadahan ng dalawang boxing legends na sina Floyd Mayweather Jr. at Senador Manny Pacquiao.

Sa pinakahuling banat ng Amerikanong Boksingero, tinawag niya si Pacquiao na empleyado niya at siya daw ang amo nito. Ipinaliwanag ni Mayweather na kaya siya nanood ng personal sa laban ni Pacquiao kay Kurt Thurman ay dahil binabantayan niya daw ang kanyang empleyado. Ibinida rin ni Mayweather na mas malaki ang kinikita niya kaysa kay Pacquiao.

“Let’s stick to the facts! Bob Arum is no longer your promoter, so when it comes to @mayweatherpromotions and Premier Boxing Champions (PBC) events I’m the Head Nigg** In Charge (HNIC). Bottom line, I make more money than you; I beat you, then I signed you! Iwas only at your fight supervising you, my employee, as any real boss would do,” boladas ni Mayweather.

Sinagot naman ni Pacquiao ang mga boladas ni Mayweather. Nilinaw ng Pambansang Kamao na wala ang pangalan ni Mayweather sa mga boxing contracts. Pero kung gusto daw ng American Boxer ay papagawan niya ito.

“Excuse me Floyd, your name has not been on any of my PBC contracts. But if you would like to be on the next one, I will have one drawn up and sent to you. #counterfeitmoney,” resbak ni Pacquiao.

Nagsimula ang sagutan ng dalawa nang magbigay ng reaksyon si Mayweather sa mga boxing fans na parating binabanggit ang kanyang pangalan kay Pacquiao..

“I find it real ironic how every time Pacquiao’s name is brought up in the media, my name is always attached to it. This man’s entire legacy and career has been built off its association with my name and it’s about time you all stop using my brand for clout chasing and clickbait and let that man’s name hold weight of its own. For years, all you heard was that ” Floyd is afraid of Manny Pacquiao”. But what’s funny is, when we finally fought, I won so easily that everyone had to eat their words! All of the so called boxing experts, critics and jealous American “fan base” either went mute and ran for cover or made every excuse in the world as to why I should give Manny Pacquiao a rematch,” patutsada ni Mayweather.

Source: News5 | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén