Local News

Erwin Tulfo, Idineklarang Persona Non-Grata ng PMA Alumni Group!

Kahit na ilang beses nang humingi ng kapatawaran ang broadcaster na si Erwin Tulfo kay former military general at ngayo’y Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista dahil sa labis na pagbatikos nito, hindi pa rin nasasapatan ang grupong Philippine Military Academy Alumni Association, Inc. (PMAAAI) sa ginawang hakbang ni Tulfo.

Ngayon araw lang ay idineklarang persona non grata ng PMAAAI ang mamamahayag sa mga okasyon at aktibidades ng grupo.

“These libelous language of Mr. Tulfo, effectively and assiduously erodes the ‘faith and trust in government’ by the Filipino people,” sabi sa resolusyon ng PMAAAI.

Magugunita na dalawang beses humingi ng paumanhin si Tulfo kay Bautista pero hindi agad tinanggap ni Bautista. Bagkus ay naglatag pa ito ng mga kondisyones bago tanggapin ang pagpapaumanhin ni Tulfo.

Ilan sa mga kondisyones ni Bautista ay paglalathala ni Tulfo ng public apology sa mga peryodiko, radyo at mga social media platforms. Pinagbibigay din ni Bautista ng donasyon si Tulfo sa mga organisasyon na pinili ng kalihim ng DSWD. Ang donasyon ay hindi daw dapat bababa sa P300,000.

Ang kondisyones ni Bautista kay Erwin ay hindi nagustuhan ng ilang kababayan natin. Pinuna ito ng kapatid ni Erwin na si Ben. Ganun din ng dating mamamahayag na si Jay Sonza. Nagsalita din laban dito ang pro-government blogger na si Maharlika.

Nagsimula ang sigalot sa pagitan ng dalawa nang hindi agad napaunlakan ni Bautista si Tulfo para sa isang panayam. Ayon kay Tulfo, pinagsusumite sila ng formal request letter 5 araw bago ang interview sa kalihim ng DSWD dahilan kung bakit binanatan ng husto ni Tulfo si Bautista sa kanyang programa.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén