Local News

Erwin Tulfo, Kakasuhan ni Billy Jack Sanchez?

Nagbabala ang viral rider na si Billy Jack Sanchez laban sa mamamahayag na si Erwin TUlfo. Ayon kay Sanchez, kakasuhan niya daw ang media personality kung hindi daw siya titigilan nito.

“Erwin Tulfo, stop it or less I am obliged to file a case against you, the writ of hebeas data. Okay baka hindi mo naintindihan ‘yun kasi bobo ka… I search mo ‘yun.

Nananawagan ako… sa mga pulis ng Angeles, huwag po tayong magpagamit sa pulpol na mga Tulfong ito,” sabi ni Sanchez.

“BAKA NAUTAL KA NGAYON SA PROGRAMA MO ERWIN TULFO? NI HINDI MABANGGIT PANGALAN KO BAKIT IWAS PUSOY KANA? PA BLIND ITEM PA SI BUGOK I’M NOT IN DANGER ERWIN TULFO I’M YOUR DANGER,” dagdag pa ni Sanchez.

Nag-ugat ang patutsada ni Sanchez kay Tulfo matapos itampok ng mamamahayag si Sanchez sa programa nito. Magugunita na naging viral si Sanchez dahil sa pakikipagtalo nito sa traffic enforcer habang nag-i-ingles.

Matatandaang sinagot na ni Tulfo ang mga boladas sa kaniya ni Sanchez.

“Gusto lang atang magpasikat at my expense… Sinabi ko nga.. pabayaan niyo, baka may saltik sa ulo, sabi ko, pabayaan mo. Kasi hindi naman lahat ng bagay kailangan mong sagutin… Hindi ka naman mapag-uusapan dito kung wala kang ginawang kalokohan,” resbak ni Tulfo.

Source: News5 | Billy Jack Sanchez

Leave a Reply

Theme by Anders Norén